Kabanata 12: ANG LABAN AY TOTOO!!!
Alam nila na mahirap pumasok sa laboratoryo na puno ng zombies. Kailangan nilang i-test ang mga sample ng dugo sa lalong madaling panahon para mahanap ang lunas sa loob ng nasabing kwarto. Nagpasya silang magdala ng gamit para ipagtanggol ang sarili nila.
Mga armas na hindi naman papatay ng kahit sino. Umaasa pa rin sila na maililigtas nila ang lahat ng zombies at ibabalik sila sa normal na buhay. Naniniwala silang lahat na kaya nilang iligtas ang mga ito sa sarili nilang paraan. Pagsaktan pero hindi papatayin.
Nagsusuot sila ng hoody jackets, pantalon, facemask, at bota para sa kaligtasan. Dahan-dahan silang pumasok sa loob, walang tunog o ingay na maririnig habang pumapasok sila sa laboratoryo.
Luminga-linga sila at napaiwas ng tingin, at may mga zombies saan man sila tumingin. Sa bawat daan, pasilyo, sinubukan nilang maglakad ng dahan-dahan at siguraduhin na hindi maririnig ng zombies ang kahit anong tunog mula sa kanila dahil alam nilang maaabala nito ang mga zombies.
Pero, hindi sila nagtagumpay... nang tumunog ang telepono ni Andre, ang anak ng matandang lalaki.
"Hoooohhhh! Sorry guys!," sabi ni Andre at agad na nilagay ito sa silent mode.
"Ohhh hindi! Yung mga zombies, tingnan mo sila, naglalakad sila papunta sa direksyon natin. Sa tingin ko narinig nila yung pag-ring ng telepono mo. Masyadong alerto at matalas ang pandinig nila kapag may tunog," bulong ni Adam. "Naaalala ko pa yung sinabi mo lolo noong nasa abandonadong tren tayo. Mahina ang paningin ng zombies, hindi nila tayo makikita ng malinaw maliban na lang kung may narinig silang ingay o tunog mula sa atin," dagdag niya.
Nag-isip siya agad kung ano ang pinakamagandang gawin para mailayo sila sa matandang lalaki at sa anak niya. Gusto niyang isama si Hannah pero nag-alala siya na kung isasama niya si Hannah, baka mapahamak ang dalaga. Kaya, nagpasya siyang gawin mag-isa ang plano niya dahil alam niyang may antibodies siya na pwedeng lumaban sa virus.
Hindi siya sigurado kung may antibodies si Hannah katulad ng sa kanya pero para masigurado na ligtas ang dalaga, naisip niyang iwan na lang siya sa matandang lalaki at sa anak niya.
"Guys! May ideya ako. Gagawin ko ang lahat para mailayo sila dito para makapasok kayo sa kwarto, yung kwarto na sinasabi ni lolo," sabi ni Adam.
"Adam, huwag mong gawin yan! Huwag mo akong iwanan," pakiusap ni Hannah sa kanya na huwag umalis at hinawakan niya ang kamay ni Adam. Pleeaasssseeee! Kung pupunta ka at itutuloy mo ang plano mo, sasama ako sa'yo, nagmamakaawa siya.
"Hannah, ginagawa ko ito para sa'yo at para sa lahat ng taong nangangailangan ng lunas. Sumama ka sa kanila dahil alam kong poprotektahan ka nila katulad ng pagprotekta ko sa'yo diba Andre? Lolo?" sabi ni Adam nang walang pag-aalinlangan.
"Magtiwala ka sa akin, kaya ko ito mag-isa." Inalis niya ang kamay niya kay Hannah kahit gusto pa niyang hawakan ang kamay niya nang mahigpit. Pero hindi niya binago ang isip niya kaya tinulak niya sila palayo dahil malapit na ang mga zombies sa kanila. Ang kanyang mga galaw ng kamay na nagsasabing "Goooooo! Alis!"
Nakarating ang matandang lalaki kasama sina Hannah at Andre sa kwartong hinahanap nila. Habang tumatakbo si Adam at inilalayo ang mga zombies, upang ang tatlo ay makapagplano kung paano sila makakapasok sa Experiment Room. Ginawa ni Adam ang sarili niya bilang pain para sundan siya ng mga zombies at hindi sila pansinin ng tatlo.
Sa kasamaang palad, tulad ng inaasahan, hindi nakapasok ang tatlo sa loob ng kwarto dahil sa nakalimutang password.
Habang tumatakbo si Adam, nakakita siya ng iba't ibang kwarto. Ang lab ni lolo ay kamangha-mangha. Hanggang sa nakita niya ang pinakamalaking kwarto kung saan sa tingin niya ay pwede nilang ilagay ang mga zombies habang hindi pa natutuklasan ang lunas. Pumasok siya sa pinakamalaking kwarto ng tahimik at pinindot ang isang bagay na maaaring magdulot ng ingay o tunog para sundan siya ng mga zombies kapag nakapasok na siya doon. Ang kwarto ay magulo at marumi, mukhang stock room, may mga gagamba, langgam at iba't ibang insekto na nakatira doon sa loob ng maraming taon, senyales na matagal nang abandonado ang laboratoryo.
Sinundan siya ng mga zombies tulad ng kanyang plano. Sinundan nila si Adam, sinundan nila siya kung saan siya pupunta. Pumasok din sila sa kwarto kung saan pumasok si Adam. Nang nagkaroon siya ng pagkakataong lumabas, kinandado niya ang mga zombies sa loob ng nasabing kwarto. Tiniyak niyang hindi sila makakalabas doon bago siya umalis. Pagkatapos, sinubukan niyang hanapin ang experiment room kung nasaan sina Hannah, Andre at ang matandang lalaki.
Sa kabilang banda, sa pasilyo na papunta sa experiment room, nakita ni Hannah ang tatlong zombies na naglalakad mula kaliwa papuntang kanan, pagkatapos ay lumiko pakanan papuntang kaliwa at binuksan ang pinto ng katapat na kwarto. Lahat sila mukhang gutom na leon na naghahanap ng makakain para mabusog ang kanilang tiyan at masiyahan ang kanilang mga hilig. Lumalabas ang laway nila sa kanilang bibig.
"Napansin mo ba yung paggalaw nila? Ginagawa nila ang parehong galaw pagkatapos ng 5 minuto," pag-obserba ni Andre. "Subukan mong panoorin sila pagkatapos ng 5 minuto," dagdag niya.
Habang nag-iisip, natapakan ni Hannah ang isang malagkit na bagay tulad ng chewing gum. Sinubukan niyang tingnan ito ngunit lumabas ang mga zombies sa katapat na kwarto at nagtago ulit sila. Pagkatapos ng 5 minuto, ginawa ng mga zombies ang parehong galaw. Kaya, nakita ni Hannah ang malagkit at sinubukan niyang tanggalin ito.
"Andre, Lolo, tulungan niyo ako. Itong malagkit, hindi ko matanggal." Ginamit niya ang kanyang lakas para tanggalin ang kamay niya dito ngunit umabot ng 5 minuto at lumabas ulit ang mga zombies, syempre nagtago ulit sila tulad ng dati.
Bumalik sila at tinulungan si Hannah na tanggalin ang kanyang kamay dito, ginamit nila ang kanilang lakas ngunit sobrang malagkit kaya umabot ulit sila ng 5 minuto at lumabas ulit ang mga zombies. Akala nila sapat na ang kanilang lakas para mailabas siya sa pagkakasabit.
Ngunit sa pagkakataong ito nagtago ang ama at anak at hindi nila napansin na wala si Hannah sa kanilang likuran katulad ng kanilang karaniwang posisyon kapag nagtatago sila. Tumingin sila sa isang butas at nakita nila si Hannah. Hindi niya maalis ang malagkit na bagay sa kanyang kamay na naging dahilan ng pagkakasabit niya sa posisyon na iyon.
"Ohhh hindi tay! Nasa panganib si Hannah. Paano natin siya matutulungan ngayon?" tanong ni Andre sa kanyang tatay.