Kabanata 46
Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang isipin lahat ng oras na magkasama kami. Ang pagbabalik-tanaw sa mga alaala na 'yon ay nagdulot ng ngiti sa mukha ko. Miss ko talaga yung mga panahong 'yon.
Miss ko kung paano niya ako palaging aasarin, yung paraan ng pagyakap niya sa akin na para kaming magkasintahan, at kung paano kapag hinalikan niya ako. Sobrang na-enjoy ko talaga yung mga halik niya.
Pero para sa kanya, halik lang 'yon.
Napabuntong-hininga ako. Bakit kailangan pang maging komplikado nito?
Dahil buong lakad ako na lutang sa pag-iisip, nakarating ako agad sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Sarah na nakaupo sa sala at nagbabasa ng libro.
"Hi Sarah," sabi ko habang sinarado ko ang pinto.
Nag-angat ng tingin si Sarah mula sa libro na binabasa niya. "Hi, mahal." Sumimangot siya pagkatapos habang nakatutok ang mga mata niya sa akin. "Mukha kang pagod."
"Okay lang ako. Medyo hingalin lang ako kasi naglakad ako," paliwanag ko.
"Bakit? Nasaan si Tyler?" nagtatakang tanong niya.
Hindi ko pa sinasabi sa kanya o kay Tatay na wala na kami ni Tyler. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila. Pero alam niya na lagi akong kasama ni Tyler, kaya medyo kakaiba kung maglalakad lang ako. Gumawa ako ng mabilisang kasinungalingan. "May ginawa si Tyler sa school," sabi ko nang kaswal. "Gusto niya akong maghintay, pero gusto ko talaga maglakad. Ang ganda pa nga ng pakiramdam eh. Masarap yung hangin."
Ngumiti si Sarah. "Okay, buti naman."
"Kumusta ka na?" tanong ko dahil naalala ko na hindi siya maganda ang pakiramdam kaninang umaga.
Nung bumaba ako sa kusina kaninang umaga, nasa kusina siya at naghahanda ng almusal para sa akin. Pero ilang minuto pa lang, umalis siya sa kusina nang nagmamadali para sumuka. Pagbalik niya, tapos na akong maghanda ng almusal at kumakain na.
"Oo, mas okay na ako, salamat. Huwag kang mag-alala, normal lang 'yon sa ilang umaga. Lilipas din naman 'yon," paniniguro niya.
"Buti naman," sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko kayang isipin na palaging sumusuka kahit alam ko na magandang senyales na maayos na lumalaki yung baby. "Aakyat na ako para simulan ang homework ko," dagdag ko habang naglalakad ako papunta sa hagdanan.
"Sige," sabi ni Sarah habang bumalik siya sa pagbabasa ng libro niya.
Nang gabing 'yon, nasa kwarto ako at nagbabasa ng libro nang may gumalaw sa bukas na bintana ko na nakaagaw ng atensyon ko. Inilipat ko ang tingin ko mula sa libro at tumingin ako sa bintana papunta sa kwarto ni Tyler para makita siyang naglalakad sa kwarto niya na walang damit pang-itaas.
Pinanood ko siya ng ilang minuto, bago ko sinubukan na ibalik ang atensyon ko sa libro ko. Ayoko rin na mahuli niya akong nakatitig. Maya-maya, nawala siya sa paningin ko. Hula ko pumasok siya sa banyo niya, kaya inalis ko na ang tingin ko sa bintana.
Hindi na ako ganadong magbasa, isinara ko ang libro at ipinatong ko sa nightstand. Tumayo ako mula sa kama ko, pinatay ang ilaw at natulog na.
Naglalakad ako sa parking lot ng school kinabukasan nang may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Lumingon ako para makita si Logan na naglalakad papalapit sa akin.
"Pwede ba kitang makausap kahit sandali?" tanong niya nang nakatayo siya sa harap ko. Tumango ako at sinenyasan ko siyang sabihin yung sasabihin niya. "Gusto ko lang sabihin na nagso-sorry ako."
Napabuntong-hininga ako. "Logan, nasabi mo na 'to sa akin. Pinagdaanan na natin 'to at pagod na ako," pagputol ko.
"Hindi, ibig kong sabihin, nagso-sorry ako na pinipilit kitang magkabalikan tayo," paglilinaw niya. Tinitigan ko siya, nagulat ako sa paghingi niya ng tawad. "Nakikinig ako sa sinabi mo nung huli tayong nag-usap at tama ka talaga."
"Talaga?" Nagulat talaga ako sa biglang pagbabago na 'to.
Tumango siya. "Oo. Hindi ako naging makatarungan sa 'yo sa pamamagitan ng pagpwersa ng hindi naman mangyayari."
"Tama ka, hindi ka," pagsang-ayon ko.
Napangiwi siya sa mga sinabi ko. "Alam ko at nagso-sorry talaga ako tungkol doon. Mas karapat-dapat ka sa mas higit pa doon."
Pinanood ko siya ng maigi kung nagbibiro ba siya, pero wala akong narinig na biro sa mga sinabi niya. "Okay," sabi ko dahil hindi ko alam kung ano pang sasabihin.
Tumayo siya doon ng ilang sandali bago niya sinabi. "Para malaman mo, hindi ko talaga gustong mangyari 'to."
Tumango ako. "Oo, pero nangyari kasi hindi tayo para sa isa't isa. Alam mo 'yon at alam ko 'yon."
"Alam ko na ngayon. Sana iba ang nangyari, pero kailangan kong matutong tanggapin 'yon," sagot niya na aminado. "Kailangan ko rin tanggapin na baka nakahanap ka na niyan sa iba."
"Oo," sabi ko na tumatango. "Puwede bang itanong kung bakit nagbago ka bigla?"
"Pagkatapos ng sinabi mo sa akin, nag-isip ako. Hindi ko rin matiis ang ideya na kinamumuhian mo ako," pag-amin niya.
"Hindi kita kinamumuhian. Hindi ko gusto yung ginawa mo pero hindi kita kinamumuhian," pag-amin ko nang totoo.
"Oo, nagso-sorry ako sa lahat ng 'yon," inulit niya ang paghingi niya ng tawad.
Nagkibit-balikat ako. "Tapos na ang tapos na. Hindi na natin 'yon mababago, pero pwede na tayong mag-move on. Nagawa ko na at dapat ganun ka rin," tumango lang si Logan. "Well, kailangan ko nang umalis."
Itinago niya ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. "Oo naman. Bye Emily."
"Goodbye Logan," sabi ko habang tumalikod ako at lumayo sa kanya.
++++++
Pagkatapos kong tapusin lahat ng assignment ko nang gabing 'yon, umalis ako ng bahay at nagpasya na maglakad papunta sa malapit na park. Gusto ko lang mapag-isa sandali para mag-isip-isip.
Naglakad ako sa paligid ng park ng mga labinlimang minuto nang magpasya ako na umupo sa isang bench sa park. Umupo ako doon ng ilang sandali habang pinapanood ko ang mga tao sa park. Wala akong iniisip sa kasalukuyang sandali. Masarap lang panoorin yung tanawin at linisin ang isip ko.