Kabanata Siyam
Gabriella.
NAGLILIYAB!
Yun lang ang nakikita ko sa mismong oras na 'to. Lahat ng nasa paligid ko, umiikot sa 360° at feeling ko, lalabas na sa katawan ko ang puso ko.
"Excuse me Sir, anong nangyayari? Paano nangyari 'to?" Rinig kong mahinang tanong ni Liam sa mga taong nasa paligid pero pagkatapos nun, para namang nasusunog ang eardrums ko. Ni hindi ako makarinig o makakita ng kahit ano maliban sa nakakakilabot na apoy na pilit pinapatay ng mga bombero.
Mga ilang talampakan mula sa akin ay may ambulansya na sa tingin ko ay nandito para dalhin ang bangkay ni Katherine. Mukhang may tama siya ng bala sa tiyan kaya ibig sabihin, talagang kaso ng pagpatay 'to at kahit papaano, madadamay ako sa kamalasang 'to dahil ako ang may-ari ng lugar kung saan siya natagpuang patay, ako ang boss niya at nagkataon pang, sumiklab ang apoy sa mismong gabi na natagpuan ang bangkay niya.
Ito na siguro ang pinakamasamang araw ng buhay ko at sa puntong 'to, dahan-dahan ko nang nararamdaman na nawawala na ako sa sarili at kasabay nun, nawawalan na rin ako ng kakayahan mag-isip. Parang madilim ang lahat sa paligid ko at malungkot ang pakiramdam. Para bang patuloy ko lang mararanasan ang mga pinakamasamang bagay sa buhay at duda ako na deserve ko 'to dahil wala naman akong ginawa para saktan ang kahit sino, kahit kailan.
"Babe, okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Liam at nang hindi ako sumagot, sinimulan niya na akong yugyugin para matauhan ako.
Ang totoo, naririnig ko siyang tinatawag ang pangalan ko at nagmamakaawa na sagutin ko siya pero hindi ko kayang magsalita. Amoy usok ang buong paligid at ang makita ang nangyari sa sunog ay nagpabagsak sa akin sa paraang hindi ko man lang maipaliwanag. Iisipin ng ilan na ganito lang ako dahil ang cafe na lang ang meron ako pero hindi, hindi 'yun ang punto. Kaya ko namang bumili ng bagong building kung gusto kong ipagpatuloy ang cafe pero hindi lang basta cafe ang cafe na 'to para sa akin, mas higit pa sa 'yun ang kahulugan niya sa akin.
Itong building, gaano man kaliit at walang kwenta para sa iba ay simbolo na meron pa akong pag-asa, pag-asa na magiging okay ang lahat, pag-asa na hindi pa tumigil ang buhay ko sa isang bagay na wala akong alam, pag-asa na hindi ako kinamumuhian ng buong mundo dahil nakakapasok pa sila sa lugar na akin nang hindi nila ako iniinis at ang mga empleyado ko. Itong cafe, siya lang ang pinanghahawakan ko para makatiyak na matatapos din ang nakakakilabot na yugto ng buhay ko at kahit hindi man bumalik sa normal ang lahat, kahit papaano, makakalakad ako ng malaya nang hindi ako tinuturo ng mga estranghero at tinatawag na mamamatay tao.
Sa kasamaang palad, ang pag-asa ko ngayon ay abo na lang. Bigla na lang, nawala ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin na matino at ang nakikita ko na lang sa harapan ko ay isang nasunog na building at isa na namang kaso ng pagpatay na tiyak na magdadagdag ng gasolina sa nakakakilabot nang apoy sa buhay ko.
Hindi ko deserve 'to. Hindi, hindi ko deserve. Masyado akong mabuting tao para maranasan ang napakaraming pangit na bagay. Hindi ako nakasakit ng kahit sino at hindi ako kailanman sasakit kaya bakit walang gumagana para sa akin? Bakit palaging panandalian lang ang lahat ng maganda sa buhay ko? Saan ba ako nagkamali? Bakit sa mundo nangyayari sa akin 'to lahat? Pinaparusahan ba ako ng Diyos? Tama ba si Mama? Wala talaga akong kwenta kundi isang sinumpa at kamalasang bata?
"Gabriella, please matauhan ka!" Mas malakas na sigaw ni Liam at wala sa sarili akong lumingon para tingnan siya sa mata.
"Li...Liam, a...anong nangyayari? A...anong g...ginawa ko para m...maging ganito? P...please s...sabihin mo kung saan ako nagkamali kasi h...hindi k...ko maintindihan ang lahat," nauutal kong sabi habang nagsisimulang tumulo ang mga luha sa pisngi ko na hindi ko mapigilan.
Hinila ako ni Liam para yakapin, mahigpit niya akong niyakap at bigla na lang akong napahagulgol. Parang may nakabara sa baga ko at feeling ko, puputok na ang puso ko anumang oras.
"Wala kang ginawang mali, baby. Hindi mo kasalanan 'to," bulong ni Liam na nagpapatunay pero lalo lang akong pinasama nito.
"Anong hindi ko kasalanan? Sinumpa ako Liam, talagang sinumpa ako at kaya walang magandang nangyayari sa akin! I...itong lugar ang pag-asa ko Liam, siya na lang ang natitira sa akin na kinakapitan at bigla na lang, wala na. Wala na parang hindi man lang siya nagkaroon. Paanong hindi ko kasalanan 'to!" Sigaw ko sa kanya ng galit, inilayo ang sarili ko sa kanya ng agresibo at tinangkang lumayo sa nakakabaliw na atmospera pero mabilis niya akong pinigilan.
"Hindi Gabriella, huwag mong sabihin 'yan! Hindi ka sinumpa, narinig mo ako! Pwedeng sumiklab ang apoy kahit anong oras Ella at hindi kasalanan ninuman at para kay Katherine, wala kang kinalaman sa nangyari sa kanya. Sa kasamaang palad, natagpuan siyang patay dito pero dahil lang siguro alam ng hayop na gumawa nun sa kanya na nagtatrabaho siya dito pero hindi ibig sabihin na may kasalanan ka, gets mo?" Sabi niya sa akin, medyo nilakasan ang boses at tumayo ako sa harapan niya, hindi makapagsalita o makagalaw ng ilang segundo.
"Liam, hindi mo naiintindihan at sa totoo lang, hindi ko inaasahan na maintindihan mo. Empleyado ko si Katherine. Nakita ko siya kahapon, kinausap ko siya, nagtawanan kami at bigla na lang, natagpuang patay siya ngayon na may putok ng baril at dahil sa kakaibang dahilan, sa tingin ko, may kinalaman ako dito. Para bang hindi pa sapat 'yun, biglang sumiklab ang apoy ng napakalala sa loob at alam mo at ako na hindi aksidente ang nangyari. Naamoy ko ang demonyong gasolina Liam, ibig sabihin, may gumawa nito sa akin nang walang dahilan. May masamang kumuha ng tanging pag-asa ko at sinasabi mo na hindi ako sinumpa?" Sabi ko sa kanya at bumuntong hininga siya.
"Alam kong nakakabaliw pero hindi ko mapigilang isipin 'to Liam, hindi ko kaya. Feeling ko, dahan-dahan akong nawawala sa sarili at feeling ko, may sinusubukan na akong baliwin ng kalungkutan. Iniimbestigahan ako sa tangkang pagpatay samantalang hindi man lang ako makasakit ng isang langaw. Nawala ang trabaho ko, ang reputasyon ko na baka hindi ko na makuha at ngayon nawala ang cafe ko at isa na namang kaso ng pagpatay ang nakapalibot sa akin dahil mag-iimbestiga sila at dahil may kaso na ako, idadagdag nila ako sa listahan ng mga posibleng suspek. Sabihin mo na Liam, hindi ba talaga ako sinumpa?" Tanong ko, bumubuntong hininga ng pagkabigo nang mapagtanto ko na talagang kamalasan ako tulad ng palaging sinasabi ni Mama.
"Makinig ka sa akin Ella, wala kang pinatay at wala kang koneksyon sa pagkamatay ni Katherine dahil hindi mo siya pinatay. Kung meron mang may pakana sa lahat ng 'to, hahanapin natin ang taong 'yun kahit anong mangyari. Kung patuloy kang magsasalita at magfe-feeling ng ganito, binibigyan mo ng gusto ng hayop na 'yun. Hindi ka pwedeng magpadala Ella dahil hindi ka guilty. Isa kang mabuti, mabait at kahanga-hangang tao at sa huli, ang lahat ng 'to ay magiging alaala na lang, ipinapangako ko," bulong niya na nagbibigay ng katiyakan, ipinatong ang noo niya sa akin at mahigpit akong niyakap at bumaha ang luha sa mata ko.
"Paano kung magtagumpay sila Liam? Paano kung guilty ako sa krimen na hindi ko naman ginawa? Paano na Liam? Walang maniniwala sa akin, iisipin ng lahat na talagang sinubukan kong patayin si Martin at makukulong ako ng walang dahilan," sabi ko sa kanya habang umiiyak, nagtataka kung anong gagawin ko kung talagang nangyari 'yun.
"Naniniwala ako sa 'yo at isusumpa ko sa buhay ko na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para masigurado na walang mangyayari sa 'yo. Alisin mo lahat ng negatibong iniisip mo dahil inosente ka at 'yun lang ang katotohanan diyan, okay?" Sabi niya sa akin ng mariin, hinila ako para yakapin at marahan akong tinapik sa likod para ma-comfort ako habang umiiyak ako ng walang tigil.
"Pagod na pagod na ako Li, talagang pagod na ako," bulong ko sa pagitan ng paghikbi at marahan niyang ginamit ang kamay niya para imasahe ang likod ng ulo ko para pakalmahin ako.
"Malalampasan natin 'to baby, ipinapangako ko," nagbigay siya ng katiyakan at tumango ako ng marahan, kinukumpirma na naniniwala ako sa kanya at ginamit niya ang kamay niya para punasan ang mga luha na nagsisimula nang matuyo.
"Kakausapin ka ng mga pulis pero sa tingin ko, hindi ka dapat makipag-usap sa ngayon. Ipapaalam ko sa kanila na hindi ka okay," sabi niya para makaalis pero pinigilan ko siya.
"Kakausapin ko sila, Liam," sinabi ko sa kanya ng mabilis.
"Huwag kang mag-alala babe, hindi mo na kailangan. Ako na ang bahala sa kanila at pwede ka nang maghintay sa kotse. Mabilis lang ako," sagot niya at hindi ako pumayag.
"Hindi mo na kailangan 'yun babe, okay na ako ngayon. Kakausapin ko sila at makikipag-ugnayan sa pamilya ni Katherine para mag-alok ng pakikiramay. Kailangan ko rin silang mag-imbestiga sa sunog para kumpirmahin kung panununog ba talaga at kung oo, sana makuha nila agad sila. Umaasa lang ako na hindi 'yun ang iniisip ko," sabi ko sa kanya, tapat na umaasang hindi totoo ang hinala ko sa ngayon.
"May hinihinala ka ba?" Tanong niya.
"Wala namang partikular babe, huwag mo na lang pansinin. Sige na at kakausapin ko na ang mga pulis," sagot ko, agad na lumakad palayo sa kanya at papunta sa mga pulis na nakikipag-usap kay Taylor. Kawawa ang babae at mukhang hindi nakakakita ng ayos at namamaga ang mata niya sa kakaiyak.
"Magandang gabi po, mga opisyal," bati ko ng mahinahon.
"Magandang gabi po madam. Ikaw po si Gabriella Johannson, tama po ba?" Tanong ng mas matangkad sa dalawang lalaki.
"Opo, Sir," sagot ko.
"Ako po si officer Gray at ito po ang partner ko na si officer Lopez," pagpapakilala niya at yumukod ako ng magalang sa isa pang pulis, na nakatayo lang na seryoso ang itsura.
"Lubos po kaming nakikiramay sa pagkawala niyo. Medyo malas po ang nangyari dito ngayon pero sana po ay hindi kayo magagalit na magtatanong kami ng ilang katanungan, o hindi ba?" Tanong niya.
"Hindi po, siyempre naman po. Sige po," pinayagan ko, humihinga ng malalim bago nila ako simulan tanungin na malamang hindi ko magugustuhan.
"Miss, pwede ka nang umalis. Sasabihin namin sa 'yo kung may mga tanong pa kami," itinuro niya kay Taylor at sinenyasan ko si Liam na tulungan siyang maglakad dahil mukhang hindi siya gaanong nakaka-intindi.
"Okay miss, una, kailangan naming itanong kung gaano ka kalapit sa biktima na si Katherine Jones. Empleyado lang ba siya?" Tanong ni Opisyal Gray.
"Well, hindi ko masasabi na kilala ko siya nang lubos pero gusto ko siya. Napakabait niyang empleyado at nag-usap kami ng ilang beses," sagot ko ng mahinahon, pinipigilan ang mga luha na nagbabanta nang tumulo dahil ang mga alaala ng huling pag-uusap namin ay nagkukubli sa isip ko. Hindi talaga deserve ni Katherine na mamatay nang ganito. Hindi man kami ganun kalapit pero sa ilang beses na nakipag-ugnayan ako sa kanya, natuwa ako sa masigla niyang personalidad.
"May alam ka ba na personal tungkol sa kanya? Isang bagay na maaaring may kaugnayan kung bakit may gagawa nito sa kanya?" Tanong ni Opisyal Lopez.
"Wala, hindi masyado. Ang tanging alam ko tungkol sa kanya ay may relasyon siya at sinabi niya sa akin na masaya siya sa kanya. Bukod pa duon, hindi talaga kami nag-uusap tungkol sa aming personal na buhay," sagot ko.
"Hmm, alam mo ba na nagdadalang-tao siya?" Tanong niya at nanigas ako. Nagdadalang-tao si Katherine? Oh my goodness!
"Buntis siya? Oh my goodness, wala akong ideya. May binanggit siya tungkol sa pangarap niyang natutupad pero wala akong ideya na ang pinag-uusapan niya ay ang kanyang sanggol, oh Diyos ko!" Sigaw ko sa pagluha habang dahan-dahang tumulo ang luha sa mata ko.
Hindi ako makapaniwala na may walang awa na pumatay sa isang ina at sa kanyang anak nang ganun lang. Nakakakilabot!
"Lubos naming naiintindihan ang nararamdaman mo at sinisigurado namin sa 'yo na kung sino man ang gumawa nito ay matutuklasan. Gusto ka naming tanungin ng huling tanong, kung wala kang keber?" Sabi ni Opisyal Gray at hinimok ko siyang sige na.
"May alam ka ba na may alitan siya kamakailan sa kahit sino? Kahit customer man o katrabaho?" Tanong niya at natigilan ako ng ilang segundo dahil nag-realize ako.
"H...hindi ko alam kung nagkaroon siya ng alitan sa katrabaho pero nagkaroon siya ng ilang hindi pagkakaunawaan sa mga customer noon. Minsan, hindi siya pasensyoso sa mga walang respeto na customer kaya nagkaroon siya ng alitan sa kanila ng ilang beses," sagot ko at parang hindi maganda ang pagkakadirek ng pag-uusap na 'to.
"Dahil sa kasamaang palad, ganyan na ang cafe, hindi kami makakakuha ng security footage ng mga taong nakita niya na may problema pero alam mo ba kung anong mga customer na may problema siya kamakailan?" Tanong niya at nag-sink ang tiyan ko.
Ang biglaang pag-realize na ang kakambal kong si Elle ay madadamay dito ay nagpadala ng kakaibang pakiramdam sa bawat hibla ng aking pagkatao. Alam kong baliw si Elle pero kaya ba niyang pumatay ng tao? Duda ako. Ayokong isipin ang pinakamasama sa kanya kahit na siya ang pinakamaingay na tao sa mundo.
"Nagkaroon siya ng konting sagutan sa kakambal niya, si Gabrielle, ilang araw na ang nakalipas. Hindi naman seryoso. Hiniling ko lang na iparating niya ang mensahe ko na ayokong makita siya," sinabi ko sa kanila at dahil sa ilang dahilan, nagulat sila.
"Hmm, may naaalala ka pa ba?" Tanong niya.
"Hindi naman talaga, kahit na meron, hindi ko naman talaga alam ang mga pangalan nila," sagot ko at tumango siya ng mahinahon, halatang nasiyahan sa kanyang pagtatanong.
"Maraming salamat sa oras mo Miss at muli, ang aking pinakamalalim na pakikiramay para sa empleyado mo at sa cafe mo dito. Titiyakin namin na ang parehong kaso ay iimbestigahan nang lubusan at makikipag-ugnayan din kami sa 'yo sa isang sandali. Magkita tayo agad, miss," sabi ni Office Gray, yumuyuko nang bahagya kasama ang partner niya bago sila bumalik sa kanilang sasakyan.
Tumingin ako ulit sa dating masigla na kapaligiran na nababalot na ng usok at kadiliman. Isang pagod na buntong hininga ang lumabas sa aking labi nang mapagtanto ko na maaaring ito pa lang ang simula. Alam kong kakaiba pero may nararamdaman ako na ang pinakamasama ay darating pa at ang totoo, ang pag-iisip nito ay natakot ako nang higit pa sa iba.