Kabanata 49
Sa makalawa, kasal na talaga nina Kwin at Tayler. Hindi nga ako umaalis ng mansyon para lang walang masamang mangyari ulit.
Dati, gusto ko maglakad pero ayoko na lumabas ngayon. Inabala ko na lang sarili ko sa pagwo-workout. May gym pala itong napakalaking mansyon kaya ginamit ko na lang – na lalong nagpasaya at nagpagana kay Nail.
Sabi niya gumaganda daw ako lalo, lalo na ang katawan ko. Minsan iniisip ko kung mahal niya ba talaga ako o ang katawan ko lang. Ang totoo, grabe ang lalaking 'yon, parang hindi nabubusog. Feeling ko alam ng mga katulong dito kung ano laging ginagawa namin kasi halatang-halata naman si Nail. Hindi mapakali mga kamay niya sa akin at palagi akong inaakit.
Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Sinusulit niya na wala ang magulang niya. Mukhang na-adik na siya sa sinasabing gawain. Pagod na ako pero gusto ko naman. Hindi ko naman siya bibigyan ng karapatan na malaman 'yon.
Pumunta ako sa baba para mag-brunch kasi medyo late na ako nagising. Umalis si Nail para kumuha ng isang bagay sa opisina niya tapos babalik din agad.
Simula nung sinabi ko sa kanya na manatili, nagtatrabaho na siya sa bahay simula noon. Kahit na sinabi ko sa kanya na wala na akong pakialam kung pumunta siya sa kompanya niya para magtrabaho. Nagpumilit pa rin siya na manatili sa akin. Na-a-appreciate ko yung pag-aalala niya pero lalo akong nakokonsensya araw-araw. At saka, hindi na bumabalik yung bangungot, buti na lang. Sana hindi na talaga bumalik.
Narinig kong may nag-uusap sa sala kaya pumunta ako doon para tingnan kung sino yung bisita bago ako dumiretso sa dining room.
Uminit ang dugo ko nang nakita ko yung sinasabing bisita, nakaupo sa sofa. Siya yung babaeng pumunta dito hindi pa natagalan. Nakacross legs siya habang umiinom ng, siguro, tsaa.
Pumupunta ba siya lagi dito kay Nail?
Nagulat siya nang nakita niya ako. Itinaas ko yung kilay ko habang pinagmamasdan siya. Inilagay niya yung tasa sa center table at halatang may peke na ngiti nang tumingin siya sa akin. Nagcross arms naman ako bilang ganti.
"Hello. Naghihintay ako kay Nail. Wala siya sa opisina niya nang pumunta ako doon." Sabi niya na puno ng kaplastikan.
So kung wala si Nail sa opisina, dito siya pumupunta? Gaano kadalas siya pumunta dito?
"Sino ka?" May kayabangan sa tono ng boses ko pero hindi ko sinasadya, promise.
"Ako si Kristina Lowell. Ang tatay ko, si Dyeyms Lowell, kung kilala mo siya, katrabaho ni Nail." Sabi niya na may pagmamalaki habang nakataas ang ulo. Tumayo siya at inabot yung kamay niya, inaalok na makipagkamay bilang pagpapakilala.
Hindi ko pinansin.
"Bakit nandito ka sa halip na yung tatay mo?" Nagulat siya sa tanong ko. "May negosyo ka ba sa kanya?"
Nalaglag na yung maskara niya sa wakas. Sinamaan niya ako ng tingin bago nagsalita. "Sino ka para kwestyunin ako?"
"Magandang tanong 'yan." Sabi ko. "Ako yung magtatapon sa 'yo palabas ng property na 'to."
Nangunot yung noo niya. "Talaga? Sino ka ba talaga, ha? Hindi pa kita nakikita. Hindi ka mukhang isa sa mga Veselov. Tingnan mo yung sarili mo, kawawa. Dahil lang komportable ka dito, gumagawa ka ng parang host. Sasabihin ko sa 'yo, bitch."
Lumapit siya sa akin na nanga-ngamba. "Ako ang future hostess dito. Ako ang magtatapon sa 'yo palabas."
"Nice. Sasabihin ko kay Nail na may gustong magpakasal sa kanya. Pagkatapos naming magsama siyempre." Kinindatan ko siya na halatang ikinainis niya.
Bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Tumusok yung mga daliri niya sa balat ko at ang sakit, putaragis. Nakakuyom yung kamao ko at nginilitan ko yung mga ngipin ko sa pagpipigil.
"Isa ka lang puta. Kapag tapos na siya sa 'yo, ako naman yung hahabulin niya. Hindi yung mga hamak na katulad mo."
Ay, Nail Veselov, lagot ka.
"Tanggalin mo nga yang kamay mo, sweetie. Huwag mo na akong pag-gawaan." Sabi ko na may ngingilit.
Ngumisi siya na may kayabangan at mas hinawakan pa niya ng mahigpit ang kamay niya sa braso ko. Bitch.
Hinawakan ko yung pulsuhan niya, inikot ko siya at pinilipit sa likod niya. Sumigaw siya na parang pusang gala. "Bitawan mo ako, bitch!" Umiyak siya at sumigaw sa sakit na lalong nagpabigat sa hawak ko.
"Humihingi ka ng tawad. Baka sakaling luwagan ko pa yung hawak ko." Bulong ko sa tenga niya, pinagtatawanan siya.
Tinatanggal niya ako pero hindi niya kaya. Nanginginig siya at umiiyak. Nag-umpisa nang tumulo yung mga luha sa mata niya. "Bitch! Bitawan mo ako! Sasagutin mo 'to sa tatay ko. Isusumpa ko, sisirain ko yung buhay mo, scum!" Sumigaw siya nang inayos ko yung kamay ko para mas lalo siyang makaramdam ng sakit.
Pagkatapos ng workout nitong mga nakaraang araw, alam kong malakas ako, lalo na may kaunting boxing akong ginagawa. Sinusubukan ko lang alalahanin yung mga galaw pero hindi ko alam na magagamit ko ngayon.
"Isang salita lang, prinsesa, hindi mo na mararamdaman yung sakit."
Nang bumuka yung bibig niya, sinigurado kong palalain yung sakit niya at sa wakas, pumayag siya.
"Sorry." Umiyak siya.
"Good girl." Niluwagan ko yung hawak ko.
"Bakit hindi mo pa ako binibitawan?" Tanong niya habang inaalis ako.
"Gusto mong bitawan kita? Sige, ulitin mo yung bawat salita na sasabihin ko. 'Hindi na ako lalapit kay Nail kailanman.""
"Ikaw ay- Ahh!"
"Pitong salita, prinsesa. 'Yun lang ang kailangan."
"Niloko mo ako!" Nakakabingi yung boses niya.
Napairap ako. "Makinig ka nga. Ang sabi ko lang, baka luwagan ko yung hawak ko. Bibitawan kita kapag sinabi mo yung pitong salita na 'yun!"
"Anong nangyayari dito?"
Putangina.
Pero hindi ko pa rin siya binibitawan at pinatag ko yung hawak ko.
Pumunta sa amin si Nail habang nagtataka kung anong nangyayari.
"Nail!" Umiyak siya na nakakainis. "Sinasktan ako ng bruhang 'to. Hindi niya ako binibitawan."
Nagkibit balikat ako nang walang pakialam. "In-eenjoy ko yung pagbasag sa braso niya."
"Kura, bitawan mo na siya." Sabi niya. Buti na lang parang wala siyang pakialam kung hindi sasali talaga siya sa bruhang 'to.
"Hindi hangga't hindi niya sinasabi yung mga salita."
"Hindi! Bitawan mo ako!" Nanginginig siya na parang isda sa labas ng tubig.
"Sabihin mo lang yung mga salita, Kristina, at bibitawan ka niya. Hindi mo alam kung gaano katigas ang ulo ng babaeng 'yan."
Ngumiti ako na may kalokohan.
"Hindi mo nga alam kung ano yung sasabihin ko." Hinihimas ni Nail yung mukha niya sa pagkadismaya. "Gusto niya akong lumayo sa 'yo- Ahh! Ang sakit!"
"Kura-"
"Hindi! Hindi ko siya bibitawan hangga't hindi niya sinasabi yung mga mahiwagang salita. Gets mo, prinsesa? Kaya natin 'to buong araw." Inilipat ko yung atensyon ko kay Nail. "Puwede ka nang umakyat at magpahinga, mahal ko. Lalandi tayo mamaya." Kahit na matamis yung boses ko, sinasamaan ko ng tingin si Nail na nanga-ngamba. Sana naintindihan niya yung ibig kong sabihin sa mga salitang 'yun.
Bumuntong hininga siya bago naglakad.
"Nail, hindi! Tulungan mo ako!"
"Pitong salita." Sabi ko na nanga-ngamba habang hinigpitan ko yung hawak ko.
"Okay, okay! Hindi na ako lalapit kay Nail kailanman!"
"Kailanman?" Tanong ko na may paniniwala at katiyakan.
Sinaktan ko siya sa pamamagitan ng pag-aayos ng kamay ko para malaman niya na sineseryoso ko 'to. Natakot siya at inulit niya sa akin. "Oo! Kailanman! Hindi na ako lalapit sa kanya. Pakiusap, bitawan mo na ako." Umiyak siya.
Sa wakas, binitawan ko na siya nang may kaunting kalupitan. Tumulo at tumilapon yung mga luha sa mata niya. Nakakahiya na hindi ako nakaramdam kahit konting awa.
"Magbabayad ka sa ginawa mo!"
Tinangka kong lumapit sa kanya. Dali-dali niyang kinuha yung bag niya at nagmadaling lumabas ng mansyon.
Well, nakakatuwa 'yun.
"Well, maganda yung palabas."
Hayop.
Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon ng boses. "Hello, nanay ni Nail- Ibig kong sabihin Sara- Ibig kong sabihin, Misis Veselov."