Kabanata 5
Nanlaki ang mga mata ko sa paligid. Isang penthouse sa pinakamataas na palapag ng building. Ang laki-laki at parang ang tagal nang walang nakatira. Pero maganda, sosyal, at sakto sa isang binata. Sakto sa binatang nasa harap ko.
"Sa kama ka matutulog. Sa couch ako."
Mukhang iisa lang ang kwarto dito.
Nagkibit-balikat ako, at ngumiti ng nakakaloko sa kanya. "Kung gusto mo..."
Bakit nga ba ako napunta dito? Nakatayo sa loob ng penthouse ni Nail Veselov. Feeling ko nagiguilty siya kaya inampon niya ako na parang pusang basa sa ulan. At tatanggapin ko ang kama niya. Sana sumakit ang likod niya sa couch.
Inalok niya akong maligo muna sa banyo niya. Naghalukipkip siya sa mga drawer niya na naghahanap ng isusuot para sa akin dahil binigyan niya ako ng t-shirt at pantalon niya. Kinuha ko agad dahil mas okay ang malinis na damit.
Hindi na ako nagtanong pa sa biglaang kabaitan niya dahil wala naman akong choice. Ayoko naman gumawa ng makeshift na higaan sa opisina at magising na puro sakit ang katawan. Ito na ang the best deal na pwede kong makuha at ine-enjoy ko na kasi tatanggapin ko ang kama niya.
Nang matapos ako, nagbihis ako ng damit niya. Ang sweatpants ang laki-laki, hindi humahawak sa bewang ko kaya hindi ko na sinuot at ang t-shirt na parang dress na hanggang gitna ng hita. Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko siyang nakahiga sa kama niya, nakatakip ang isang kamay sa kanyang mata. Nagising siya sa kilos ko at agad siyang napaupo.
Nagtagpo ang mga mata namin sandali bago bumaba ng dahan-dahan, nagtagal at saka bumalik at huminto sa may baba ko. Nagtaas ako ng kilay nang magtagpo ang aming mga mata.
Nahihiya ba siya? Holy shit.
Ubo siya ng palihim bago naglakad papuntang banyo, at nadikit ang malalakas niyang braso sa akin. Napangisi ako sa kung gaano ako naapektuhan niya.
Nagdesisyon akong pumunta sa kusina para maghanap ng maiinom. Buti na lang nakakain na ako ng dinner. Si Kaleb, isa sa mga empleyado namin at assistant ko, nagdala sa akin ng dinner bago umuwi ang team. Siya lagi ang nagpapadala sa akin ng pagkain kapag napapansin niyang hindi pa ako kumakain. Siya kadalasan ang errand boy ko at right hand ko sa trabaho.
May mga alak sa kanyang mga kabinet, inumin at kaunting pagkain ang nakatago sa ref niya. Hindi naman masyado ang supplies niya. Na-imagine ko na bihira siyang tumatagal dito siguro kapag hindi siya makakauwi. For instance, itong unfortunate event na nangyari sa akin. Bumuntonghininga ako, at kinuha ang sobrang mahal na champagne na nakita ko. Sinadya kong pinili ang pinakamahal sa kanyang koleksyon.
Umupo ako sa couch ng sala niya, binuksan ang tv at pumili ng random channels para lang magkaroon ng ingay sa katahimikan. Matapos buksan ang bote ng champagne, ininom ko ang laman nito diretso sa bibig ko. Sino ang nagmamalasakit sa paggamit ng wine glass? Hindi naman ako ang magagalit.
"Anong ginagawa mo?"
napatigil ako, hindi alintana na ang bote ay nasa pagitan pa rin ng mga labi ko habang nakatingin ako sa kanya. Pinupunasan niya ang kanyang buhok ng tuwalya habang pinagmamasdan ako nang may inis na itsura. Nagbihis siya ng puting fitted shirt at grey sweatpants. Ngumisi ako habang binabawi ang bote at inalok sa kanya.
"Paano mo nagawang gamitin ang bibig mo dito? Alam mo ba kung magkano ito?" Inagaw niya ang champagne mula sa kamay ko.
Napairap ako. "Sigurado ako na 0.00001 percent lang ng bilyon mo. Ibigay mo na sa akin iyan." Sinubukan kong agawin ang bote pero nailagan niya. Patuloy akong umaabot pero nagagawa niyang ilagan. Naiinis na ako.
Tinignan ko ang couch sa likod niya bago tumalon sa kanya. Umungol siya nang pareho kaming natumba sa couch. Nagmamadali kong inagaw ang bote mula sa kanyang kamay nang makita ko ang perpektong oportunidad. Hindi nagkalat ang laman dahil halos kalahati na. Napangisi ako sa aking matagumpay na plano.
"Ano ba! Pwede tayong masaktan!" Sigaw niya.
Umirap ang aking mga mata dahil hindi ko gusto kung gaano siya kakinikilig.
"Huwag kang maging sissy. Alam kong may couch sa likod mo."
"Ang ibig kong sabihin ay ang bote ay pwedeng mabasag at masugatan ka."
"Alam kong may init pa rin sa malamig na puso mo."
Nang-iinis ako sa kanya. Pagkatapos ay nilagay ko ang bote sa pagitan ng aking mga labi. Nakita ko ang kamay niya na gumagalaw para abutin ito ngunit pinigilan ko muna siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay. Yinakap ko ang bote sa aking dibdib gamit ang isa ko pang braso, inilalayo ito sa kanya. "Ah, ah, ah. Alam kong gagawin mo iyon."
Gumalaw ang isa pa niyang kamay at tinabig ko ito na pinalaya ang isa pa. "Put*ngina, huwag kang gumalaw."
Huminga ako. "Put*ngina?" Tumawa ako ng malalim. "Wow, anong dumi ng bibig mo, mister."
"Sabi ko huwag kang gumalaw." Nagbabala siya, at nagngangalit ang kanyang mga ngipin. "Huwag ka ring tumawa."
Natigilan ako nang sundan ko ang kanyang tingin. Bakit hindi ko napansin ang posisyon namin? Nakatuon ako sa pagkuha ng inumin kaya hindi namin alam na nakahiga siya ng patagilid sa sofa habang nakaupo ako sa kanyang singit. Ganap na ipinakita ang aking mga hita para sa kanya, halos nakikita ang aking underwear. Kung hindi pa halata ang pulang mukha niya. Nahihiya siya at holy hell, na-arouse.
Ngumisi ako ng nakakaloko.
"Oh, dear." Inilagay ko ang bote sa kanyang dibdib, sinasabayan ito ng aking kamay. Matagal na niyang nakalimutang kunin ito mula sa akin.
"Umalis ka." Hinihiling niya ngunit pinipigilan siya ng bote.
Inilipat ko ang aking mga hips. Ang kanyang mukha ay mas pula pa sa dati kung posible man iyon. Naramdaman ko na tumigas ang kanyang ari sa paggalaw.
"Tumigil ka!"
"I will." Gumiling ako muli. "Kung humihingi ka ng tawad dahil naging as*hole ka sa akin..." Gumiling. "Lahat." Gumiling. "Ito." Gumiling. "Oras."
Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, naglalaan ng oras upang magsalita. Siguro upang isipin kung karapat-dapat ako sa kanyang paghingi ng tawad o hindi kaya gumiling ako muli. "Humihingi ako ng...tawad."
"Well, hindi naman mahirap, hindi ba?" Sinubukan kong bumaba ngunit umupo siya at inabot ang pulso ko, pinatigil ako.
"Huwag mo akong asarin." Ngumisi siya. Nasa pagitan ng aming dibdib ang bote. Nakaupo pa rin ako sa kanyang singit dahil, well, pinatigil niya ako. Sumampa ang kanyang amoy sa aking ilong. Pareho kaming amoy. Lavender.
Ang maikling pagkaabala ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong nakawin ang bote ng champagne mula sa akin. Tinitigan ko siya nang hindi makapaniwala nang ininom niya ang laman nito nang diretso sa kanyang bibig, hinahalikan ang aking DNA.
Pagkatapos ay inabot niya ang aking leeg na hinihila ako pababa sa kanya. Nagtagpo ang aming mga labi sa kalagitnaan.