Sanhi ng Kamatayan
Pangalawang beses na pinigilan ko ulit ang paghinga ko, tumingin ulit ako sa direksyon ni Mira na hindi pa rin umaalis sa harap ng puntod ni Avila.
Malapit nang sumikat ang araw, pinauna ko nang umuwi si Castiel at nagpaiwan ako dito sa ilalim ng puno at hinintay kong sumama sa akin si Mira. Simula nang marinig niya ang pangalan ni Alada, hindi na ulit ako nakapag-usap nang maayos kay Mira, tinanong ko siya kung anong oras balak niyang umalis pero hindi siya sumasagot at patuloy lang siyang nakatingin sa pangalan ni Avila.
Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang galit at poot ni Mira, dagdag pa yung lungkot dahil hindi man lang niya nakita si Avila sa huling pagkakataon. Sigurado akong nagsisisi siya dahil hindi niya ginamit ang oras niya para hanapin si Avila, sigurado akong nagsisisi siya dahil mas pinili niya ang kanyang pride kaysa sa paghahanap kay Avila.
Tumingin ako sa kalangitan, madilim pa pero alam kong paparating na ang araw, ang lugar na 'to lang ang lugar na hindi sinisinagan ng araw, kaya nagtataka ako kung bakit dito pa tumira sila Avila at Castiel kung pwede naman silang makisalamuha sa ibang tao. Tumayo ako dahil sa pagkabagot ko, naglakad ako sa tabi ni Mira saka siya tinignan saglit bago tumingin sa pangalan ni Avila.
Huminga ako nang malalim nang marealize kong hindi ko pa nakikitang umiyak si Mira simula kahapon nang malaman namin ang balita, galit lang ang nakikita ko sa kanya at hindi luha. Hindi ko alam kung pinipigilan niya ang pag-iyak niya o ano, pero sigurado akong mabigat ang nararamdaman ni Mira nitong mga araw na 'to.
"Mira." Tawag ko sa kanya habang nakatingin sa pangalan ni Avila, hindi ko naramdamang lumingon siya sa akin.
"Alam kong mahirap para sa'yo na wala na ang kapatid mo." Sabi ko, yumuko ako at sumilip sa kanya.
"Alam ko ring isa kang demonyo at masamang nilalang." Dagdag ko na nakatingin ulit sa libingan ni Avila. "Pero hindi ibig sabihin nun ay wala kang karapatang umiyak at ilabas ang sakit na nararamdaman mo." Sabi ko, naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya.
Walang bakas ng emosyon sa kanyang mga mata, nandun pa rin ang huling nakita kong reaksyon niya kahapon.
"Kung gusto mong umiyak, gawin mo. Hindi kita huhusgahan dahil lang umiiyak ka." Sabi ko saka tumingin ulit sa puntod ni Avila. Tahimik ang paligid, ang malakas lang na hangin ang humahampas, maya-maya ay bumuhos ang ulan pero nanatili kaming nakatayo at walang gumalaw sa amin sa harap ng puntod ni Avila. Lumingon ulit ako kay Mira nang marinig ko ang kanyang mga hikbi. Nakita ko kung paano tumakas ang kanyang mga luha habang sinasabayan siya ng ulan sa kanyang paghikbi.
Huminga ako nang malalim at tumingin ulit sa puntod ni Avila.
Avila, aalamin ko kung anong ikinamatay mo. Aalamin ko kung bakit nawala ang buhay mo. Yan ang pangako.
Ilang minuto pa, nagpaalam na ako kay Mira na pupunta muna ako sa bahay ni Castiel, tila wala siyang balak na umalis sa harap ng libingan ni Avila, kaya pumunta muna ako sa bahay ni Castiel para simulan nang alamin kung ano ang pagkamatay ni Avila.
"Nag-iisip lang ako kung bakit kahapon nang yakapin kita hindi ko maramdaman ang tibok ng puso mo." Sabi ni Castiel habang nakaupo ako sa upuan, umupo siya sa harap ko saka ako tinignan.
"Nasaan ang katawan mo?" Nagtataka niyang tanong.
"Ninakaw sa akin." Sagot ko kaya napanganga siya.
"Ninakaw? ng sino?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanyang mga mata.
"Ni Alada." Sagot ko, biglang natahimik siya nang marinig ang pangalan ni Alada. Hindi ako kumbinsidong pumunta lang si Alada sa kanilang bahay bago mawalan ng hininga si Avila. Sigurado akong may iba pang dahilan.
"Kailan ka babalik sa Winsoul?" Ibang tanong niya. Tumingin ako sa harapan at huminga nang malalim.
"Maging tapat ka sa akin Castiel, ano talaga ang ginawa ni Alada dito?" Tanong ko. Biglang nag-alala ang kanyang mga mata sa akin. Huminga ako nang malalim. Alam kong may ginawa si Alada bukod sa pagpunta lang niya dito.
"May kinalaman ba si Alada sa pagkamatay ni Avila?" Tanong ko. Hindi siya sumagot, tinitigan ko lang siya hanggang sa mapansin kong may pasa siya sa gilid ng kanyang leeg.
"Anong nangyari sa leeg mo?" Tanong ko kaya medyo naguluhan siya at tumayo. Kumunot ang noo ko saka tumayo dahil sa kanyang ginawa.
"Castiel, umamin ka sa akin. Anong nangyari talaga?" Tanong ko. Nabuo ang luha sa kanyang mga mata at yumuko siya.
"P-Pasensya na." Sabi niya na umiiyak kaya kumunot ang noo ko. "Pasensya na sa paggawa ng lahat ng kaya ko para protektahan ang kapatid mo pero masyado lang siyang malakas." Sabi niya na umiiyak. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Pasensya na." Sabi niya na umiiyak. "Si Alada... pumunta dito dahil gusto niyang malaman kung paano manakaw ang katawan ng tao, bagay na si Avila lang ang nakakaalam." Sabi niya sa akin kaya natigilan ako. "Ginaya niya ang... itsura mo nang pumunta siya dito, hinayaan ko siyang pumasok sa aming tahanan nang buong puso dahil akala ko ikaw yun, pero nang humarap siya kay Avila, biglang nagbago ang kanyang itsura." Paliwanag niya. "Bigla niyang sinakal si Avila at... at wala na akong ibang nagawa sa mga oras na iyon dahil ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa akin." Umiyak siya. Tumulo agad ang luha ko habang nakatingin sa kanya at nakikinig sa kanyang sinasabi. "Tinatanong niya kung paano niya mananakaw ang katawan ng isang nilalang, nanatiling tahimik si Avila sa mga oras na iyon at hindi nagsalita kaya... kinuha niya ang natitirang kapangyarihan ni Avila at ang buhay ni Avila." Sabi niya na umiiyak. Nakakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa kanya. "P-Pagkatapos nun iniwan niya kami." Sabi niya na umiiyak Castiel. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko dahil sa narinig ko. May kinalaman talaga si Alada sa lahat ng bagay. Alada, masama ka talaga. Biglang bumukas nang malakas ang pinto ng bahay ni Castiel kaya napatingin kaming dalawa dito at sa kinalalagyan namin nakita ko ang galit na galit na si Mira na nasa anyong demonyo. "Pagbabayaran ni Alada ang ginawa niya sa kapatid ko!" Sigaw ni Mira. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun ang kanyang reaksyon, sigurado akong narinig niya ang aming pag-uusap ni Castiel. "KUNG PAGBABAYARAN NIYA ANG GINAWA NIYA KAY AVILA!" Sigaw ni Mira at biglang nagliyab ang kanyang katawan dahil sa galit.