Ang pinakamasakit na alaala
Madilim sa paligid, ang hangin malamig, ang mga kuliglig at insekto maingay sa gubat kung saan kami ni Pavel nakatira, malayo sa Winsoul.
Ngayon, bago mag-bagong taon, tatakas kami sa sumpa na pinakawalan ni Alada. Tatakbo kami palayo, tatakas ako kasama si Pavel. Tatakas kami sa sumpa na kinatatakutan naming dalawa ni Pavel.
"Kailangan nating magmadali, Karma, malapit nang mag-alas dose ng umaga," sabi ni Pavel habang hawak ang kamay ko at naglalakad sa madilim na gubat.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa labas ng bayan, doon tayo titira at bubuo ng pamilya," sabi niya na nagpangiti sa akin dahil sa sinabi niya.
"Bilisan natin, isang oras na lang ang natitira bago mag-bagong taon," sabi niya kaya tumango ako, nagsimula kaming maglakad, palabas sa madilim na gubat pero ilang minuto lang ang lumipas, parang walang nangyari. Parang pinipigilan kaming lumabas ng Winsoul, kung ano man ang pinagdaanan namin noon, pinagdadaanan ulit namin.
Huminto kami sa paglalakad.
"Anong nangyayari?" tanong ko, tumingin sa akin si Pavel.
"Hindi ko alam," sabi niya. "Kanina pa tayo naglalakad pero hindi pa rin natin makita ang labas ng gubat," dagdag niya.
"May naglalaro ba sa atin?" tanong ko kaya mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"Kailangan nating umalis," sabi niya at akmang maglalakad ulit nang may nagsalita mula sa likuran namin.
"Saan kayo pupunta, kaibigan?" Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Si Alada, nasa likuran namin habang nakatingin kay Pavel. Tama ako, si Alada ang naglalaro sa amin. Kanina pa kami naglalakad at walang nangyayari nang maglakad kami dito sa gubat. Hindi kami makaalis.
"Layuan mo kami, Alada!" sigaw ni Pavel tapos hinila ako palapit sa kanya at niyakap.
"Paalisin mo kami sa bayan," dagdag ni Pavel. Narinig ko ang tawa ni Alada, sumilip ako sa braso ni Pavel at nakita ko ang mapaglarong ngiti ni Alada.
"Bakit? Hindi mo ba gustong maranasan ang sumpa na binigay ko sa bayan?" tanong ni Alada. Gusto kong magsalita, pero may pumipigil sa akin, siguro dahil noong nangyari iyon, wala nang magawa si Karma kundi manood habang natatakot.
"Paalisin mo kami dito, please," sabi ni Pavel, umiling si Alada.
"Hindi, hindi ako papayag, kailangan mong maranasan ang sumpa na binigay ko sa mga tao. Ikaw ang ugat at wakas nito, Pavel, kaya dapat ikaw lang ang makaranas ng mararanasan ng mga taong naghirap," sabi ni Alada.
"Please Alada--"
"Sakim ka na naman at makasarili. Gusto mong dagdagan pa ang sumpang ginawa ko, Pavel?" tanong ni Alada.
"Tama na!" Gusto kong isigaw iyon pero sa isip ko lang kaya nagawa. Tumingin sa akin si Alada tapos ngumiti.
"Enjoy," sabi ni Alada tapos biglang nawala sa harapan namin. Agad na tumulo ang luha ni Pavel, at niyakap niya ako lalo.
A/n: Play Talking to the moon by Bruno Mars :>
"Huwag kang bibitaw," bulong sa akin ni Pavel. Tumingin ako sa relo na suot niya at nakita kong limang minuto na lang bago mag-bagong taon. Agad na dumaloy ang panginginig sa dibdib ko, tumulo ang luha sa mata ko at mahigpit na niyakap si Pavel.
"Pangako mo sa akin, na hindi mo ako makakalimutan," sabi ko, naririnig ang mahinang hikbi ni Pavel.
"Pangako," bulong niya.
Pumikit ako.
"Bakit ganito ang nangyari, Pavel?" tanong ko habang tumulo ang luha ko. "Bakit naging ganito ang istorya nating dalawa?" bulong ko.
"Mahal na mahal kita, kaya kahit makipagkasundo pa ako sa demonyo gagawin ko, mabawi ka lang," bulong niya, naramdaman ko ang halik niya sa noo ko.
"Pavel..." tinawag ko ang pangalan niya.
"Hahanapin ka at hahanapin ka ng puso ko, Karma, iiyak pa rin ang puso ko para sa'yo," sabi niya tapos tumingin sa akin, nakita ko ang pagtulo ng luha ni Pavel.
"Kahit ilang beses ka pang mamatay sa harapan ko, hihintayin kita at hindi magsawa na mahalin ka," tumulo ang luha ko sa sinabi niya. "Kahit ilang beses ka pang mapalayo sa akin, hahanapin kita at hahanapin kita, sa impyerno o sa langit, sa lupa o sa tubig, gagawa ako ng paraan para makasama ka," sabi niya at pinunasan ang luha ko.
"Kapag nakalimutan na natin ang isa't isa, lagi akong titingin sa buwan para humingi ng gabay patungo sa'yo," sumulyap ako sa relo na suot niya at nakita kong isang minuto na lang bago mag-bagong taon.
"Te amo, I love you, ahabak, aishiteimasu, ich liebe dich, salanghae, anh yêu em, je t'aime, I love you."
59
"Handa akong sabihin sa'yo ang lahat ng lenggwahe na may kahulugang mahal kita," bulong niya.
57
"Sorry, dahil naging makasarili ako, makasama ka lang,"
55
"Shhh, huwag ka nang humingi ng tawad," bulong ko. "Kung ako ang nasa sitwasyon mo gagawin ko rin ang mga bagay na ginawa mo makasama ka lang," bulong ko.
53
"Pero hindi mo dapat pinatay ang mga kaibigan mo para lang sa akin, Pavel. Hindi mo dapat ginawa iyon," pinagdikitan ko ang noo namin.
51
"Sorry."
50
"Kapag naayos na ang lahat, magpo-propose na ako sa'yo," bulong niya
"Kapag nakarating na ako sa palasyo, liligawan na kita," bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Pavel noong nasa gubat kami pabalik ng Winsoul.
49
"Tapos kapag sinagot mo na ako, magpo-propose na agad ako sa'yo para wala ka nang talo."
"Tapos kapag sinagot mo na ako, magpo-propose na agad ako sa'yo para wala ka nang talo." Eksakto ang sinabi ni Pavel, ang mga salitang sinabi ni Pavel sa akin noong nasa Gubat kami ay kasama ko na ngayon.
47
"Bubuo tayo ng mga anak natin tapos palalakihin natin ng maayos ang mga anak natin, hanggang sa tumanda tayo at ang mga anak natin ay magkaroon na rin ng sariling pamilya."
"Tapos kapag naging hari na ako, magiging reyna ka at bubuo tayo ng mga anak natin tapos mamumuno tayo sa winsoul. Pamumunuan natin ito ng maayos at payapa, tapos palalakihin natin ng maayos ang mga anak natin, hanggang sa tumanda tayo at ang mga anak natin ay may sariling pamilya na."
Naluha ako dahil sa sinabi ni Pavel at sa naalala kong sinabi sa akin ni Pavel noong nasa gubat kami pabalik ng winsoul.
44
"Tapos hanggang sa susunod na buhay, susundan kita. Tapos sa susunod nating buhay pipiliin ka pa rin kita. Wala nang iba."
"Tapos hanggang sa susunod na buhay, susundan kita. Tapos sa susunod nating buhay pipiliin ka pa rin kita. Wala nang iba."
Narinig ko ang boses ni Pavel sa harapan ko at si Pavel na kasama ko noong pabalik kami sa winsoul.
41
Hinawakan ni Pavel ang baba ko at nagdikit ang labi niya sa labi ko. Isang romantiko pero may halong lungkot.
39
Bakit? Bakit ang malas ng tadhana para sa aming dalawa ni Pavel?
Ang gusto lang naman namin ay magkasama sa payapa pero bakit? Bakit ang tadhana at oras ang ganito sa amin?
35
Kung makikita ni Pavel ang pagkamatay ko ng paulit-ulit, napakasakit nito para sa kanya. Napakasakit.
Hindi ko kayang isipin kung paano niya matitiis na makita akong namamatay ng paulit-ulit. Habang naghihintay siya sa pagdating ng isa pang daan at apat na Karmas.
30
Buti na lang may sumpa ang bayan noong mga araw na iyon. Sa ganong paraan, makakalimutan ni Pavel kung paano ako namatay.
27
Kung ibabalik ko ang memoryang nawala kay Pavel tulad ng pagbabalik ko ng mga alaala ng mga magulang ni Abiah, sa tingin ko mawawala ang pakiramdam na galit ni Pavel sa mga demonyo na katulad ko at babalik si Pavel na nasa harap ko na.
25
Nagkatinginan kaming dalawa ni Pavel, magkadikit pa rin ang noo namin habang nakapikit ang aming mga mata.
"Hindi mo ako makakalimutan, 'di ba?" tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay makakalimutan niya ako.
22
"Hindi, pangako yan," bulong niya habang nakangiti sa akin.
"Hahanapin mo pa rin ako hanggang sa kabilang buhay, 'di ba?" magtatanong ako. Tumango siya.
19
"Mahal na mahal kita, kahit ano ka pa sa mga susunod mong buhay," bulong niya na nagpangiti sa akin.
"Kahit maging insekto ka pa, mamahalin pa rin kita."
17
"Kahit anong mangyari o kung paano ka man mamatay, tatanggapin ko iyon hanggang sa makilala kita sa daan at apat mo," tumingin siya sa akin kaya tumulo na naman ang luha ko.
14
"Gagawin nating totoo ang mga pangarap ko at ang mga pangarap mo. Pangako yan," niyakap ko siya dahil sa sinabi niya. Sobrang sakit, hindi ko maipinta ang sakit na nararamdaman ko. Bakit pa ako pinakitaan ng nakaraan kong buhay? Bakit pa ako nandito sa nakaraan kong buhay?
10
"Kakapitan ko lagi ang mga sinabi mo Pavel," bulong ko. Tumingin ako sa kanya, pinunasan niya ulit ang luha ko habang nakangiti.
5
"Mahal kita."
"Mahal na mahal din kita."
3
"Happy new year, mahal ko."
"Happy new year... Pavel."
1
Kasabay ng pagputok ng makukulay na firework nang nagdikit ang mga labi niya sa akin, sinagot ko ang halik niya habang umiiyak kaming dalawa. At saglit lang, nang iminulat ko ang aking mga mata. Nasa harap ko si Pavel na kaharap ang dating ako na may tanong sa kanilang mukha at nagtataka.
"Excuse me po, pero pwede po bang sabihin niyo sa akin kung bakit tayo nandito?" tanong ng Karma na nasa harapan ko. Parang nadudurog ang puso ko dahil sa sinabi ng Karman na nasa harapan ko.
Parang nanonood ng teleserye at hindi ko mapigilang manood kung paano namin sinasaktan ni Pavel ang isa't isa noon.
"S-sino ka ba?" Tumingin ako kay Pavel nang sabihin niya ang mga salitang iyon.
"A-ako... Ako si Karma." sumagot ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Sorry, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito." Yumuko ako at pinunasan ang luha dahil sa narinig ko. Natupad ang sumpa ni Alada, natupad ang kanyang sumpa at nandito ako para saksihan kung paano kami nakalimutan ni Pavel makalipas ang daan-daang taon.