Kabanata 53
Safe to say na hindi ako okay sa emosyon nung gabing lalaban sana ako. Pero wala naman talaga akong choice, 'di ba?
Nakatayo ako sa tabi mismo ng hagdan na papunta sa fighting ring, yung sigawan ng mga tao tumutunog sa tenga ko. Nasusuka ako kung gaano sila ka-excited manood ng ganitong karahasan at mas nasusuka ako nung na-alala kong ako yung nagbibigay sa kanila ng entertainment na 'yon. Nagpa-ikot yung tiyan ko pero agad kong kinontrol sarili ko. Nagdesisyon na ako na hindi ko hahayaang mapatay ako. Sobrang dami ang nakataya. Malapit na akong makuha yung pamilya ko at lahat ng mahal ko sa ligtas na lugar. Kailangan ko lang talunin si Cole. Pero kailangan ko munang umakyat sa hagdan na 'yon; sa pakikipaglaban sa bawat lalaking kailangan kong labanan para makarating doon.
Harapanin ko man lahat ng kailangan kong gawin. Kahit sino na tumingin sa akin ng maayos makikita kung gaano ako ka-unstable. Yung masamang tingin na nakuha ko sa babaeng tumawag sa akin sa dressing room ay patunay na 'yon. Akala niya hindi ako makakatagal ngayong gabi. Pero kailangan ko. Wala nang ibang choice para sa akin.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, itulak yung mga iniisip na parang nakabaon na sa ulo ko at mag-focus sa laban.
Nung tinawag yung pangalan ko, inalog ko yung mga kamay ko ng mahina at huminga ng malalim, nagpapanggap na lahat ng worries ko 'yon. Pinatigas ko yung ekspresyon ko ng kaya ko. Mananalo ako sa labang ito.
Tumigil ako sa harap ng kalaban ko at nagulat ako nang makita kong babae pala. Sa buong panahon ko sa kompetisyon na 'to, wala pa akong nakitang ibang babaeng katunggali. Sa wakas nakakita ako. Malapit na sa semi-finals nakakagulat. Ngumisi yung babae sa itsura kong payat. Puro kalamnan yung katawan niya at malamang kalahating talampakan na mas matangkad pa siya sa akin. Sigurado mas malaki siya.
Pinakita niya yung braso niya, hinuhulaan kong paraan para takutin ako.
Yung kayabangan niya ang magiging dahilan ng pagbagsak niya. Iisipin ko na dahil babae siya, mas alam niya na huwag maliitin ang mas maliit sa kanya. Malaki siya pero hindi niya kaya yung mga lalaking katunggali.
Tumunog yung bell at tumayo siya sa mga takong niya. Kinawayan niya ako gamit yung daliri niya at may ngisi na may kilay na nakataas na mayabang.
Binigyan ko siya ng blangko na tingin at sinugod siya. Natamaan ko siya sa gitna ng katawan niya at itinulak siya ng buong lakas ko para ihampas siya sa matigas na sahig ng ring. Nakadagan ako sa katawan niya at sinimulang manuntok. Sinimulan kong puntiryahin yung ilong niya at tinakpan niya yung sentido niya pagkatapos kong makailang suntok. Walang bigla, may hawak siya sa kaliwang balikat ko gamit yung kanang kamay niya at hinatak ako sa kanan ko. Napunta ako sa paggulong mula sa kanya na yung likod ko nakadikit sa sahig at siya yung nasa itaas na ngayon.
Siniko ko yung mga hita niya sa magkabilang gilid ko at nagbuno yung mga paa ko mula sa ilalim niya para makuha ko yung kalamangan.
Tinawid ko yung mga bukung-bukong ko para i-lock yung mga paa ko sa paligid ng baywang niya at hinatak ko siya pabalik gamit yung mga paa ko nung susuntok na siya, kaya't nagkamali siya.
Nung napansin kong nawawalan siya ng balanse pagkatapos niyang magkamali sa pagpalo niya, hinatak ko siya pabalik para suntukin siya ng diretso sa mukha. Hinatak ko siya pabalik bago pa siya makaganti sa akin para sa suntok na 'yon. Inulit ko 'to ng ilang beses para ma-maximize yung damage na magagawa ko sa kanya bago niya malaman yung ritmo ko at makawala sa pagbuno.
Pagkatapos kong magsaya sa paghila sa kanya pabalik-balik na parang basahan, hinawakan ko yung mga balikat niya. Itinanim ko yung paa ko sa gitna ng katawan niya bago ko siya inihagis sa ibabaw ng ulo ko. Tumayo ako ng mabilis hangga't maaari para mailagay yung kinakailangang distansya sa pagitan namin para maging ligtas ako.
Sumikip yung mga mata niya sa akin nung gumapang siya para tumayo sa dalawang paa niya. May bakas ng dugo na tumutulo mula sa ilong niya. May pasa na nabubuo sa kaliwang pisngi niya at namamagang yung mga mata niya. Ang dami ko siyang nagawa.
Nakita ko yung galit sa mga mata niya nung nagkita kami at pinaalala nito sa akin yung sa akin nung tumingin ako sa salamin kaninang umaga. Galit na natatakpan ng sobrang poot na nahirapan akong alamin ang isa sa isa pa. Yung pagkakatulad sa pagtingin sa mga mata niya at sa akin kaninang umaga ay pareho silang nakatutok sa akin.
Hindi pa ako nagkakaroon ng sapat na oras para umiwas sa papunta niyang katawan nung tumakbo siya diretso sa akin. Umiwas ako sa kanya sa huling segundo bago niya ako makuha. Naramdaman ko yung hangin mula sa pagdaan niya na dumampi sa balat ko kung gaano kalapit yung pagkikita na 'yon. Hindi nagtagal para makareaksyon ako ngayon. Tumakbo ako kasunod niya habang tumakbo siya diretso sa lubid at tinapon yung sarili niya, tumatakbo pabalik kung saan ako nakatayo.
Pero, ang hindi niya inaasahan ay kung paano ako tumakbo kasunod niya. Tumalon ako at naghatid ng spinning kick. Nakuha ko siya mismo sa sentido, yung ulo niya tumagilid sa pagtama dahil bumalik yung mga paa ko sa lupa. Nagsimula itong sumakit sa pagtama ng sobrang lakas.
Hingal na hingal yung dibdib ko habang pinanood ko siyang gumuho sa mga tuhod niya, hawak-hawak yung ulo niya sa mga kamay niya. Pinilit kong tanggalin yung simpatya sa sistema ko, iniipon ko 'yon para sa ibang pagkakataon. Simula nung nalaman ko kung gaano karami yung buhay ng mga tao na apektado ng mga sugat na nakukuha nila sa mga laban na 'to, hindi ko na nakita yung pagkatapos ng laban ko sa parehong paraan pa. Patuloy kong nakikita yung mga nawasak na buhay pagkatapos ng mga buhay. Nawala yung pagmamahal ko sa pakikipaglaban, sa adrenaline na tumulong sa akin na lumaban imbes na tumakas sa eksena.
Nung nagdesisyon yung referee na hindi na siya karapat-dapat na lumaban dahil halos hindi na siya makatayo ng tuwid nang hindi gumegewang, itinaas niya yung kamay ko at hinarap yung mga tao, inihayag ako bilang panalo.
Hindi katulad sa lahat ng ibang pagkakataon, wala akong naramdamang panalo, wala akong naramdamang kasiyahan. Ang naramdaman ko lang ay ginhawa. Ginhawa na isang hakbang na lang ang layo ko sa pagpapanatiling ligtas sa pamilya ko. Kailangan ko na lang gumawa ng isa pang laban bago ko harapin si Cole at talunin siya.
Umalis ako, lumabas sa ilaw ng spotlight ng mabilis hangga't kaya ko. Nagtungo ako pabalik sa dressing room at kinuha yung mga gamit ko. Sinigurado kong tiningnan yung board na nasa mga pasilyo sa paglabas ko para sa susunod kong laban at naglagay ng reminder sa phone ko.
Naglakad ako pabalik sa bike ko, itinago yung phone ko sa duffel bag ko. Nakasakay ako sa bike ko, handang umuwi nung may boses na pumigil sa akin.
“Case!” Humarap ako pabalik, yung mga paa ko sinimulang buhayin yung bike ko. Kailangan ko nang tumigil sa pakikipagkita sa lahat ng taong ayaw kong makilala pagkatapos ng laban ko. Sumasakit yung paa ko na parang aso pagkatapos ng huling sipa na 'yon at pumipilay pa ako.
“Pakyu ka, Dom!” Sigaw ko pabalik sa kanya, yung gitnang daliri ko nakataas para ituro siya sa aking balikat. Naramdaman kong may kamay na dumapo sa balikat ko at hinawakan ko 'yon, pinilipit 'yon ng masakit sa pamamagitan ng hinlalaki nito.
“Huwag mong ilapit yung mga maduduming kamay mo sa akin.” Inismiran ko habang itinapon ko yung kamay niya palayo sa akin. Hindi ko na siya pinansin habang naghahanda akong magmadali.
“Kung nagmamalasakit ka sa mga kapatid ng boyfriend mo, pakikinggan mo ako.” Hindi na niya kailangang lakasan yung boses niya, nanlamig na yung dugo ko sa sinabi niya.