45
“Mare!”
Yakap agad si Luana kay Mare pagkaapak ng mga paa niya sa aspalto.
‘Yung byahe nilang dalawa ni Rey galing Leipzig, sa wakas dinala na sila pabalik sa mansyon, kasama sina Mare at Jovi na naghihintay mismo sa harap ng main door.
‘Yung katulong na inatasan na personal na mag-serbisyo kay Luana biglang lumapad ang ngiti, nakatanggap ng mainit na yakap galing sa pagbabalik nilang mistress.
“Kumusta ka, ma'am?” tanong ni Mare na parang nag-iisip. “Nag-enjoy ka ba sa bakasyon mo?”
Mukhang nag-usap si Rey at Jovi saglit, hindi pa pumapasok sa mansyon dahil naghihintay pa siya na matapos ‘yung mainit na pagtanggap ni Luana.
Dahan-dahang kumalas sa yakap, tumango si Luana ng masaya.
“Oo nga,” sagot niya ng simple. “Mas malamig sa Leipzig kaysa dito, pero maganda ‘yung tanawin. Next time, sumama ka sa ‘kin.”
Hindi napigilan ni Mare na ngumiti, tuwang-tuwa na talagang nakabalik na ‘yung great mistress nila. Ngayon makakapag-serbisyo na naman siya kay Luana, pwede na naman siyang maging kaibigan ng dalaga.
Pasulyap kay Luana, tahimik si Rey habang pinagmamasdan kung paano tratuhin ng legal na asawa niya si Mare. Isang katulong lang, pero parang pamilyar at mabait si Luana sa kanya.
Hanggang sa hindi namamalayan ni Rey, may kakaibang pakiramdam na biglang sumiksik sa dibdib niya.
Sa ngayon, hindi pa siya nakakakita ng ganoong nobelista na sobrang gusto ‘yung katulong niya. Dahil ‘yung mga nobelista talaga ay pinalaki na dumistansya sa mga caste na iba sa kanila. Hindi nga bihira na makakita ng mga nobelista na basta-basta na lang kumikilos sa mga katulong.
Pero iba si Luana.
Habang tumatagal, mas natutuklasan ni Rey kung gaano kainit ang ugali ng babae sa lahat ng kasama sa buhay nila.
Hindi kailanman itinaas ni Luana ang baba niya, sa halip madalas siyang yumuko para magbigay respeto sa iba. At ‘yun, nagdulot kay Rey na ngumiti saglit sa gilid ng labi niya.
“Tara na, ma'am. Dadalhin kita sa kwarto mo,” alok ni Mare, na sinang-ayunan ni Luana ng masayang ngiti.
Pagkatapos sumulyap kay Rey saglit, bumulong si Luana ng mahina. “Mauna na ‘ko.”
Si Rey, na mukhang nagulat sa pangungusap na ‘yun, ay deheman lang ang isinagot. Dahil naglakad na si Luana at Mare, iniwanan siya kasama si Jovi na nakatayo hindi kalayuan.
Ilang sandali pa bago siniguro ni Rey na nakaakyat na si Luana ng hagdan, bago siya tumango kay Jovi at pumasok sa mansyon kasama ang kanyang pinagkakatiwalaan.
***
Halos isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng pagbabalik nina Rey at Luana sa mansyon.
Busy si Rey sa negosyo, habang ginugugol ni Luana ang oras niya sa paggawa ng karaniwan niyang mga aktibidad sa loob ng mansyon.
Hindi sumagi sa isip niya na maging isang malaking mistress, kaya naman madalas na kasama ni Luana si Mare at nakikipagkuwentuhan sa iba pang katulong.
Puno ang oras niya ng pagbabasa ng libro, pagbuburda, at pagguhit. ‘Yung tatlong bagay na gusto niya kapag may time off siya sa tirahan ni Madam Collins.
Huwag na kayong magtanong kung paano sila natutulog sa mga oras na ito, dahil iniutos ni Rey kay Jovi na palihim na i-renovate ‘yung main room na nagagamit niya mag-isa.
Kaya naman hindi sumama si Jovi sa Leipzig, dahil may task siyang dapat tapusin sa mansyon. Paghatiin ang malawak na kwarto sa dalawang magkaibang partisyon, para hindi kinakailangang matulog sa iisang kama sina Rey at Luana. Ni hindi nila kailangang makaramdam ng sama ng loob sa isa’t isa.
Sa ngayon, si Jovi lang ang nakakaalam tungkol sa dagdag na pinto sa kwarto ni Rey. Kahit si Mare hindi alam ‘yun, dahil ‘yung dagdag na pinto ay bubuksan lang gabi-gabi ni Luana.
Buong araw, nasa side room siya ni Rey. Walang iba kundi para hindi maging curious, sa mga katulong na nagkataong pumapasok doon.
Inayos sa ganitong paraan, pinili nilang dalawa na huwag paghaluin ‘yung personal na bagay sa mga bagay sa kasal.
Dahil ngayon ang hinihintay na lang ni Luana ay isa lang, ‘yung pagbabalik ni Beatrice. Dahil pagkatapos lumitaw ng anak ng amo niya, pwede na siyang umalis sa pinakamalayong lugar.
Hanggang isang hapon habang binuburdahan ni Luana ang isang panyo, si Mare, na nakaupo sa harapan niya, ay biglang tumayo at yumuko ang ulo.
Na-realize ni Luana na may ibang tao bukod sa kanila doon, kaya tumingin siya sa likod at nakita si Rey na nakahawak na sa kanyang baywang sa harap niya.
Dali-daling bumangon mula sa sofa, binati siya ni Luana kahit na medyo palpak ‘yung tono ng boses niya.
“Bumalik ka na?”