Kabanata 152
Pagkatapos, naghiwalay kami ni Adam. Hinayaan ko siyang magkaroon ng space na siguro kailangan niya ngayon at bumalik ako sa bahay para kunin ang mga gamit na kailangan ko sa school.
Dapat siguro itulak na lang sa likod ng utak ko 'to, sa dami ng life and death situations na naglalabasan pero ang laki ng binayaran ng parents ko na tuition fee. Sulitin ko na lang habang nagja-juggle ng death threats, 'di ba?
Nakakatawa nga eh, baka masaktan pa rin ang pride ko kung makakita ako ng grade na mas mababa sa 80.
Siguro 'di lang talaga nawala ang pagka-nerd ko nung natapos ang high school.
May mga notes ako na kailangan habulin at basahin pero feeling ko naman mas okay ako kaysa sa karamihan, considering the circumstances ko.
Pinalitan ko ng kotse 'yung bike ko pagdating ko sa bahay at sinubukang mag-pack ng school bag as quick as possible para makapag-umpisa ako sa araw ko on time. Sinubukan kong takpan ang mga pasa sa mukha ko ng concealer, pero mukhang mahirap talaga takpan ang namamaga na mata kaya nakipag-trabaho na lang ako kung ano 'yung kaya ko.
May lecture pa ako sa kalahating oras at kung mag-a-acting ako na parang hinahabol ako ng mga hellhounds, makakarating ako doon on time with a few minutes to spare.
Lumipas ang araw nang mabilis, halos hindi ko pinansin ang lahat at nag-focus ako sa paghahabol sa mga materials na naiwanan ko. Parang na-pause 'yung university life ko at magre-resume lang 'yun kapag naasikaso ko na 'yung iba pang mahahalagang bagay sa buhay ko.
Naging uneventful ang araw ko hangga't maaari, na malaking ginhawa, to say the least. Kapag lahat ng bagay sa buhay mo ay parang sumasabog sa apoy, nakaka-relax na mayroon kahit isang bagay na nananatiling simple at boring.
Nagpasalamat ako sa itaas nang tahimik nang nakalampas ako sa araw na walang nagtatanong sa pagkapilay ko sa paglalakad at inasikaso nila ang sarili nilang buhay nang hindi tinatanong ang namamaga kong mata.
Nung natapos ang araw, nagdesisyon akong bumili pa ng ice cream para i-lift lalo ang mood ko.
Tumigil ako sa convenience store para bumili ng Ben & Jerry's. Doon din ako nakilala 'yung nanay ni Cole.
Pinag-iisipan ko 'yung iba't ibang tanong na pwede kong itanong sa babae tungkol kay Cole para mahanap 'yung kahinaan ni Cole. Hirap na hirap na ako sa kompetisyon na 'to. Kahit nasa semi-finals na ako, kailangan ko pang talunin ang isa pang lalaki at si Cole bago ako manalo sa kompetisyon na 'to at kung papasok din si Cole sa finals, 'di ko dapat siya i-underestimate.
Halos mamatay ako nung huling kompetisyon. Nakalayo na ako, 'di ako pwedeng bumagsak sa huling minuto.
Itinulak ko ang pinto ng store at dumiretso sa mga fridge sa likod ng store kung saan 'yung mga ice cream. Tinitignan ko 'yung laman ng fridge, para sa paborito kong flavor nang marinig ko 'yung mahinang masayang sigaw ng mga bata. Nakita ko 'yung mga bagong dating sa bintana ng store at agad na nag-tense.
Pumasok 'yung matandang babae at 'yung mga batang nakita ko kay Cole.
‘Siguro swerte ako ngayon,' sabi ko sa sarili ko habang kumuha ako ng isang tub at naglakad papunta sa matandang babae.
"Hi, kamusta ka?" Binati ko siya ng isang mainit na ngiti. Tumingala siya at ginaya ang ngiti ko.
"Pasensya na, 'di ko ata naipakilala nang maayos ang sarili ko nung huling pagkikita natin," sabi ko, sinusubukang simulan ang usapan nang dahan-dahan para komportable siya sa akin.
Sinasabi lagi sa akin ng parents ko na may extra charm ako pagdating sa mga matatanda.
"Sandra ang pangalan ko," inalok ko sa kanya 'yung kamay ko. Kinuha niya 'yun, nakangiti pa rin siya sa akin at nagpakilala bilang si Lionett.
Lumingon ako kung saan nag-aaway 'yung tatlong bata. Pinabayaan kong dumampi ang isang maliit na ngiti sa labi ko, iniisip kung gaano nila ako pinapaalala kay Bryant at ako nung mga bata pa kami.
"Anghel na nilalang, 'di ba?" biro ni Lionett, tumatawa habang umiling siya nang napansin niya kung ano 'yung tinitingnan ko.
Tumawa ako kasama niya habang pinapanood namin 'yung mga bata.
"Pinapaalala nila sa akin kung paano ako sa kapatid ko. Dati binibigyan namin ng hirap ang parents ko nung ganyan pa kami ka-edad," share ko ng nakangiti.
"Well, swerte ang parents mo. At least lumaki ka at nagbago pagkatapos ng ilang taon, naaalala ko ang mga anak ko na ganun din hanggang sa ma-20s na 'yung panganay ko." Umikot ang mata ni Lionett at ngumiti ako ng malungkot sa sinabi niya.
"Actually, nagtigil na kami ng kapatid ko sa paggawa ng kalokohan dahil namatay siya ilang taon na ang nakalipas. 'Di na namin nalaman kung gaano pa kami katagal nang-asar sa parents ko," sabi ko sa kanya, binigyan ko siya ng mahinang ngiti.
Lumungkot ang mukha niya sa sinabi ko, "Pasensya na, mahal. 'Di ko alam."
Ngumiti ako na nagpapasigurado sa kanya, sinasabi ko na okay lang.
"So ilang anak meron ka?" Nagdesisyon akong palitan ang paksa at nagsimulang mag-imbestiga para sa ilang impormasyon.
"Oh, lahat sila mga anak ko, mahal. Inampon ko 'yung tatlong pasaway na 'yan mga dalawang taon na ang nakalipas at mayroon akong dalawang anak na tunay kong dugo at laman." Sagot niya sa akin, pinapahiwatig sa mga bata na naglalaro na ng tag sa likod ng store.
"Si Lucas ang pinakamatanda sa tatlo, anim na taong gulang na siya. Tapos mayroon ka pang Gemma at Alex, pareho silang apat na taong gulang sa loob ng ilang buwan. Mas matanda si Gemma kay Alex ng ilang buwan." Pinakilala niya 'yung mga bata at nakinig ako ng mabuti habang patuloy namin silang pinapanood na tumatakbo sa paligid ng store.
"Sila ang lahat para sa akin. 'Di madali ang pag-ampon sa kanila pero 'di ako nagsisisi. Ang mga anak ko, basbasan sana ang mga kaluluwa nila, pinagtatrabahuhan nila ang kanilang pwet para tulungan ako. 'Di ako magiging mas nagpapasalamat sa pamilya na binasbasan sa akin."
May bukol na nabuo sa lalamunan ko habang sinasabi niya sa akin ang tungkol sa malaki niyang pamilya. 'Di ko maiwasang makaramdam ng guilty. Kailangan ng pamilya ni Cole ang pera. Ang pera ay para sa mga batang ito. Kaya sumali 'yung dalawang kapatid sa kompetisyon; para madagdagan 'yung tsansa nilang manalo.
Parang lahat ng bagay ay biglang nag-fall into place. Nahanap ko 'yung nawawalang piraso.