Kabanata 98
Sa buong usapan, walang kibo si Levy. Nakaupo lang siya dun, nakatitig sa dingding sa harap niya. Malinaw na nakikinig siya pero nakadikit ang mga mata niya sa pader. Astig ng ginawa niya kasi isang tingin lang sa mukha ko, alam na niyang patay siya kung may isang maling galaw siyang gagawin.
Umaasa ako sa pasensya ko na unti-unti nang nauubos. Ang usapan ng dalawang lalaki masyadong malabo para maintindihan ko. Ano bang gusto ng lalaking 'to kay G. Huang at ano naman ang kinalaman ni Levy dito? Kung isa siyang lalaking pinadala ni Dom, papatayin ko si Dom. Hindi si Lev. Baka subukan kong lunurin si Lev pero si Dom? Hindi.
Fuck Dom.
Sawa na ako sa lalaking 'yan na binabaligtad ang buhay ko paulit-ulit.
Hindi ko akalaing maiinis ako sa kahit sino pero si Dom, nalampasan na niya lahat ng limitasyon ko sa pinakamasamang tao sa mundo. Kung si Lev ay isa sa mga taong pinadala niya para mag-espiya sa akin, hindi na ako makakapagtiwala kahit kanino. At alam ko na mas magpapahirap pa 'yon sa sitwasyon namin. Lahat ng tao sa mundong 'to dapat alam na huwag nang lumakad sa daan na 'to nang mag-isa.
Hindi sumagot si G. Huang sa huling tanong ng kakaibang lalaki at doon na hindi ko na napigilang magsalita.
"Ano ba'ng pinagsasabi niya?" tanong ko kay G. Huang. Pero syempre, panandalian siyang bingi no'ng 3 segundo na 'yon. Pero si Klovski o kung ano man ang pangalan niya, rinig na rinig niya ang lahat ng sinabi ko at parang ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon na makipag-usap sa akin.
"Oh, para sa laban, siyempre. Tradisyon 'yan eh." Umirap ako sa ngisi niya.
"At sino ang kalaban ko?"
"Ako." Napalingon ako kay Levy na umiwas ng tingin pagkatapos magdesisyon na sumali sa usapan.
Ayos na rin, mukhang walang kinalaman kay Dom. Hindi na ako mag-aalala na baka kasama ni Dom si Levy. Malaking ginhawa 'yon.
Ngayon, iisipin ko naman ang laban sa kanya. Doble ang laki niya sa akin at kaibigan ko pa. Hindi ko siya pwedeng saktan nang malala pero mauubusan ako ng lakas agad kung susubukan kong talunin siya nang hindi siya nasasaktan. Hindi ko rin magagamit ang ibang teknik na ginamit ko sa ibang kalaban ko maliban na lang kung gusto kong saktan si Levy.
Pero bago pa man ako pumayag sa laban, may tanong na pumasok sa isip ko.
"Kung 'yan lang ang gusto niyo, bakit hindi na lang kayo kumatok na parang normal na tao at makipag-usap na lang? Imbis na manloob at gawin kung ano mang ginawa niyo kay G. Huang?" Nagkatinginan sila sa tanong ko.
"Tanggalin niyo na lang ang tali sa amin at mag-usap na lang tayo, okay?"
"Tama na!" Ang sigaw ni G. Huang ay pinatigil ang puso ko sa gulat.
"Hindi ako papayag dito. Nasaan ang pride mo? Sinubukan mo na 'to noon at maraming beses ka nang natalo sa mga estudyante ko. Kailan mo ba aaminin na natalo ka na?" Halos desperado na ang boses niya pero ramdam ng lahat ang frustration niya sa huling tanong. Alam kong ayaw niya sa sinasabi ni Klovski pero bakit?
"Hindi ka naman ganyan ka-defensive dati, matandang lalaki. Anong meron sa batang babae na 'yan at naiiba siya sa lahat ng estudyante mo? Ano ang kinakatakot mo? Hindi ka ba sigurado sa galing mo sa pagtuturo?" Lumobo ang ugat sa leeg ni G. Huang at kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya.
Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan at paglaban sa pag-aalinlangan, naglakas-loob akong magsalita at tanggapin ang hamon. Lumapit ako sa tabi ni G. Huang at ipinatong ang kamay ko sa balikat niya. "Okay lang 'yan, Shi Fu. Lalaban ako para sa 'yo at mananalo ako."
"Sa isang kondisyon," dagdag ko, lumingon kay Klovski. "Ako na ang huli. Wala nang mga walang kwentang tradisyon. Lilisanin mo nang payapa si G. Huang."
Pagkatapos ng limang segundo ng katahimikan, tumango si Klovski at sumimangot para ipaalala sa amin ang mga tali na nakagapos sa kanya. Umikot ang mga mata ko pero lumakad ako sa tabi nila pagkatapos akong payagan ni G. Huang na tanggalan sila ng tali.
"Babalik kami bukas ng tanghali. Maghanda ka."
'Yun lang ang sinabi ni Klovski bago lumabas ng kubo at umalis kasama si Lev na nakasunod sa kanya.
"Makinig ka, Case. Alam kong kaibigan mo ang lalaking 'yan, pero hindi mo siya dapat pagkatiwalaan. Ang mga estudyante lang ni Klovski ang kilala kong kasama sa grupo niya. Alam kong ayaw mong maniwala nito pero mas malamang na ang kaibigan mo ay kasama sa grupo ni Klovski. Mag-ingat ka."
Nagkasalubong ang kilay ko. Levy? Hindi pwede 'yung iniisip ko, 'di ba? Si Quentin kaya ang grupo niya? Matagal na bang binabantayan ako ni Levy para kay Quentin?
Hindi pa man ako nakakapagtanong kay G. Huang, umiling si G. Huang.
"I-save na lang natin ang tanong para bukas. Ngayon, kailangan mo nang magpahinga. Hindi magiging madali ang bukas."
Sa gano'n, pinanood ko ang pag-alis ng guro ko.
Ang dibdib ko ay nag-aalab sa mga tanong na hindi nasagot na nagpuyat sa akin hanggang sa nakatulog na rin ako sa wakas.