Kabanata 38
Bigla, walang iniisip, sa sandaling 'yon, lumayo ako sa kanya. Ang awkward ko, hindi ko alam kung paano mag-react, tapos alam ko pang hindi siya masaya sa ginawa ko dahil sa kunot ng noo niya. Nakatingin lang siya sa magulo niyang palad na may halong guilt, kitang-kita sa mukha niya. Na-badtrip ako kasi napaiyak ko siya.
Tumayo ako ro'n nang hindi man lang siya nililingon. Nagdasal ako sa Diyos na sana may pumasok para makaalis na ako sa kakaibang sitwasyon na 'to.
At salamat sa Diyos, siguro tinanggap agad 'yung dasal ko. May narinig akong katok sa pinto.
Woah, sa wakas!
Magkakaroon pa sana ng sasabihin si Dyeki pero walang lumabas sa bibig niya nang nakita niya akong nagmamadaling pumunta sa pinto. Huminga ako nang malalim para gumaan ang pakiramdam, saka dahan-dahang lumingon kay Dyeki na nakahiga, nakasandal ang ulo sa headboard, at nakapikit ang mga mata. Napangiti ako, inaamin na gwapo pa rin siya kahit gulo-gulo ang buhok.
Nakakakilig 'yung inasta niya kanina.
Napakurap ako at iniling ko 'yung ulo ko para mawala 'yung iniisip ko nang lumabas ulit sa isip ko 'yung eksena na hinalikan niya ako.
Naistorbo 'yung mga kalokohan ko sa pagkatok sa pinto kaya napalingon ako. Pagbukas ko ng knob, binuksan ko 'yung pinto at nakita ko si David na nakatayo sa harapan ko.
"Pinapatawag ka ni Nanay para sa dinner," sabi niya habang sumisilip kay Dyeki at bumaling ulit sa 'kin.
"Ayos lang ba siya?" tanong niya sa 'kin kaya lumingon ako kay Dyeki.
"Umm, oo," sagot ko nang nakangiti habang nakaharap sa kanya, pero napunta ulit 'yung atensyon ko kay Dyeki nang nagsalita siya.
"Hindi, hindi ako ayos," sigaw ni Dyeki sabay dilat ng mata niya at tumingin sa 'kin kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Sabi ni Nanay, pupunta siya para magdala ng pagkain kay Dyeki," sabi ni David saka humakbang pa-harap.
Alam kong may binabalak si Dyeki kaya bago pa man siya makapagsalita, sumingit ako para sumagot dahil gusto ko talagang lumayo sa mokong na 'to. "Sige, pupunta ako."
"Ok..a," bago pa niya matapos ang sasabihin niya, lumingon ako dahil narinig kong magsalita si Dyeki. Ang lapit ng boses niya, at oo nga, nando'n lang siya sa likod ko, nakacross arms pa.
Nagiging isip-bata siya, sabi ng konsensya ko.
"Sasama rin ako."
"PERO hindi ka pa magaling," sabi ko.
"Oo," tumango si David.
"Hindi....." inunat niya 'yung braso niya pataas saka pababa. "Ayos na ako," sabi niya habang lumalapit.
"Bakit hindi ako pwedeng kumain ng dinner?" nagpout siya.
Seryoso, nagpout siya.
Ang cute niya putaragis.
Bwisit.
Loka-loka na 'yung isip ko.
"Hindi naman sa ganu.."
"Sige na nga, bumaba ka na," sabi ni David saka umalis, iniwan akong nakatulala at kasama si Dyeki na may nakakalokong ngiti sa mukha.
"Tara na," sabi niya nang parang walang kasalanan habang naglalakad palayo, lumalampas sa 'kin.
Pagsara ko ng pinto, lumingon ako para maglakad pero natigilan ako nang may nabangga ako sa harapan ko.
Umurong ako ng isang hakbang, saka tumama 'yung likod ko sa pinto nang inunat niya 'yung braso niya sa kaliwang balikat ko, kung saan nakapatong 'yung palad niya sa pinto. Agad akong lumingon sa kaliwa pero kinulong niya ako sa bisig niya. Lumapit pa siya, sobrang lapit, halos magkalapit na 'yung labi namin, kung kikilos man lang kahit isa sa 'min, maglalapat na 'yung labi namin.
Gumalaw siya kaya napahinga ako nang malalim, saka dumampi 'yung hininga niya sa balat ko.
Bago pa man siya makagalaw, inilagay ko 'yung braso ko sa labi ko, pero gumalaw siya at umalis bago ko pa man tuluyang maisara 'yon.
Ano'ng problema? Nagbibiro ba siya sa 'kin o ano?
"Dyyyekiiiii," sigaw ko habang naglakad siya pa-harapan, naririnig ko pang tumatawa siya.
"Andito ka na pala," imporma ni Eymi nang nakita niya akong sumusunod kay Dyeki.
Tumango ako saka naglakad papunta sa dining table at hinila 'yung upuan para umupo.
Nagpatuloy 'yung dinner, masarap 'yung barbecue na ginawa ng lahat kanina sa bonfire.
Na-miss ko 'yung saya pero masaya ako na kasama ko siya.
Ano??? Hindi, hindi.
Ano'ng pinagsasabi ko?
Pagsisihan ko na kasama ko siya mag-isa.
'Yung mokong na 'yon.
Pero 'yung pag-iisip sa kanya, napangiti at namula ako.
"Anna, ayos ka lang?" tanong ni Eymi, kaya napatingin lahat sa 'kin.
Ohhh, bwisit.
Ayoko ng awkward moment na 'to na lahat nakatingin sa 'kin.
Tumingin sa 'kin si Dyeki habang pinipilipit 'yung barbecue stick.
"Wala," kibit-balikat ko.
Oo nga, paano ko makakalimutan.
Parang ikaw-kailangang-sabihin-mo-lahat 'yung itsura ni Isabela.