Kabanata 43
Pananaw ni Dyeki
Dinala ko siya na parang kinakasal, 'yung estilo, pagkatapos siyang nakatulog. Paglalakad papunta sa kotse ko, binuksan ko 'yung pintuan sa harap ng upuan ng pasahero at dahan-dahan ko siyang inilagay sa upuan. Isinara ko 'yung pintuan, naglakad ako papunta sa upuan ko at sinulyapan ko 'yung natutulog niyang mukha. Gumalaw ako paabante nang medyo bumangon ako mula sa upuan ko, hinila ko 'yung seat belt sa katawan niya at ikinandado. Tinitigan ko siya nang malapitan, ilang pulgada na lang 'yung pagitan ng balat namin para magkadikit at sisirain ko 'tong mga pulgadang 'to balang araw, gumagalaw pa lalo palapit. Hinalikan ko siya sa noo nang mahinahon at bumalik sa upuan ko.
Hinatak 'yung preno pagdating ko sa bahay, bumaba ako ng kotse at naglakad papunta sa kabilang side.
Patay 'yung ilaw kasi wala si Nanay sa bahay. Wala si Nanay sa bahay dahil sumama siya kay Tatay at babalik siya pagkatapos ng isang linggo. Tulog na siguro sina Lolo at Lola ngayon.
Na-miss ko talaga si Brey sa sandaling 'to kasi kung nandito siya ngayon, maghihintay siya sa labas para magbantay.
Dala-dala si Anna, naglakad ako papunta sa pintuan. Bago pa ako kumatok sa pinto, bumukas 'yung pinto nang lumitaw si Jon.
"Okay lang ba?" tanong niya habang umaatras para makapasok ako.
Tango ako, humuhum, naglakad ako pa lalo habang umaakyat ako sa taas papunta sa kwarto ni Anna.
Sinipa ko 'yung pinto at pumasok ako. Mabuti na lang nakabukas 'yung ilaw.
"Ang bigat mo, gaga," sabi ko, tinitingnan siya sa mukha.
Pula 'yung pisngi niya sa luha at nakita ko 'yung mata niya na namamaga. Siguro hindi siya nakatulog nitong mga nakaraang araw.
Pumasok ako, dahan-dahan ko siyang inilagay sa kama. Hinila ko 'yung kumot sa katawan niya, ino-observe ko 'yung bawat detalye niya. Inilagay ko 'yung labi ko sa noo niya, hinalikan ko siya nang mahinahon. Hindi man lang niya naramdaman ata kasi mahimbing 'yung tulog niya.
Tumayo ako nang tuwid, humakbang ako paatras para umalis pero huminto ako nang naramdaman ko siya. Hinawakan niya 'yung kamay ko na nagpagalaw sa akin para lumingon at tignan siya nang mabilisan.
Lumitaw 'yung kaunting ngiti sa mukha niya. Tinitigan ko siya at halos nakabukas 'yung mata niya.
"Huwag mo akong iwan," bulong niya habang mahigpit niyang hinawakan 'yung palad ko habang humakbang ako papunta sa kanya.
"Hindi," sagot ko nang mahinahon habang umupo ako sa kama at inilagay ko 'yung ulo niya sa kandungan ko.
Pananaw ni Jon
"Nandito siya," tanong ko, nakasandal sa frame ng pinto, tinitingnan 'yung asawa ko na nakaupo sa kama. Malungkot siya mula nang araw na 'yon.
Sinulyapan niya ako, ngumiti siya at sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya.
Pumasok ako, niyakap ko siya.
"Ayos lang siya," imporma ko habang pinakawalan niya 'yung luha niya sa balikat ko.
"Pasensya na," humingi siya ng tawad nang mahinahon.
"Okay lang 'yan... kausapin mo siya, mahal," sabi ko habang mahigpit akong yumakap.
"Hmn," inilibing niya 'yung sarili niya sa dibdib ko. Hindi ko lang matanggap 'yung katotohanan na nagsinungaling siya sa akin. Ganito katagal hindi ko alam 'yung totoo kung paano namatay 'yung mga magulang ko. Bakit niya ako tinagoan? Pati 'yung mga pildoras, nagsinungaling siya.
"Paano mo nalaman?" tanong ko nang may kuryosidad.
"'Yung pulis na kaibigan ng tiyo ko, nakipag-ugnayan sa akin kasi wala siya ng numero ni Anna dahil pinalitan niya 'yon. Nagtanong siya sa akin ng isang bagay na wala akong ideya, tinatanong niya 'yung numero NIYA, kung kailan TUMAWAG SIYA, kung ano ANG SINABI NIYA at marami pa. Hindi ko alam kung sino 'yung SIYA. Kaya tinanong ko siya tungkol doon, sinabi niya sa akin na 'yung mga magulang ko ay hindi namatay dahil sa aksidente, murder 'yon," umiyak pa lalo siya habang dinudurog niya 'yung t-shirt ko nang nagpatuloy siya, "at ginahasa si Anna."
Nanlaki 'yung mata ko sa pagtataka kung saan nagsimulang umagos 'yung luha ko.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Wala akong alam. Tinago niya sa akin at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko siya naprotektahan," umiyak siya habang niyakap niya ako nang mahigpit.
"Shhh," tinry ko siyang pakalmahin.
Hinawakan ko 'yung pisngi niya, tinitigan ko siya sa mata, "may dahilan siya kung bakit niya ginawa 'yon," sabi ko habang pinunasan ko 'yung luha niya sa pisngi gamit 'yung hinlalaki ko.
Pagkatapos niyang makatulog, hinila ko 'yung kumot sa kanya at umakyat ako sa taas. Nakasara 'yung kwarto ni Dyeki kaya naglakad ako sa kabilang direksyon. Pagpasok ko sa bukas na kwarto, nakita ko si Dyeki na nakaupo sa kama kung saan nakasandal 'yung ulo niya sa headboard at nakasandal si Anna sa kandungan niya. Lumitaw 'yung ngiti sa mukha ko, iniisip ko sila.
Si Dyeki ay 'yung tipo na hindi nagmomove on sa kahit sino maliban sa amin. Siya 'yung tipo na mahirap makisama. Hindi ako makapaniwala na nagbago siya nang sobra. Nagbago siya mula nang nakita niya siya. Madalas siyang ngumiti at tumawa pagbalik niya ngayon kasi 'yung mga naunang beses na bumalik siya para sa bakasyon, parang siya at 'yung kwarto niya lang. Palagi siyang nalulunod sa mga iniisip niya tungkol sa mga magulang niya na hindi siya nagre-relax. Pero ngayon, nalagpasan na niya 'yung mga iniisip niya nang hindi niya namamalayan.
Naalala ko nung sinabi niya sa akin na gusto niyang pakasalan si Anna kasi siya 'yung liwanag niya.
Pumasok ako sa kwarto, pinatay ko 'yung ilaw at isinara ko 'yung pinto nang dahan-dahan nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay.
Pagbaba ko sa hagdan, natulog ako, nagdarasal sa Diyos na magiging okay ang lahat.