Kabanata 22
“May hinahanap sila.” Sagot ko. “Hindi ko lang makuha kung ano pero alam ko na hindi si Royalti ang gusto nila. May gusto silang iba sa atin.”
“So, safe ako?” tanong niya. “Pwede na ako lumabas?”
“Hindi!” Sigaw ko sa kanya at nagulat siya. “Tatanungin ka nila at baka kunin ka nilang hostage para sa ransom o kaya papatayin ka nila o kung ano pa. Huwag na huwag kang tatapak sa labas ng bahay na 'to! HUWAG NA HUWAG! Naiintindihan mo?”
Medyo sumimangot siya at tumingin pababa at nakita ko na tumulo ang luha sa mukha niya.
“Pinapamuhay mo ako sa isang impyernong bilangguan! Hindi man lang ako pwedeng magkaroon ng buhay! Galit ako sayo, Xavier!” Sigaw niya sa akin tapos tumakbo na siya paalis.
“ROYALTI!” Sabi ko sabay akmang hahawakan siya pero lumayo siya sa akin.
Umungol ako sa sobrang inis at kinuha ko yung baso sa mesa at binato ko sa dingding. Hinawakan ni Geovanni yung kamay ko.
“Kalma ka lang, Xavier!” Sabi niya ng seryoso. “Walang mangyayari kung magagalit ka ngayon.”
“Tama siya.” Sabi sa akin ni Cristiano.
Tumingin ako sa kanya. May pumapatay sa akin ng dahan-dahan sa loob at may kinalaman yun kay Reil.
Bakit ako nasasaktan dahil nagalit siya sa akin?
“Ayoko lang na mapatay siya.” Sabi ko ng mahina. “Bakit ba hindi niya maintindihan yun?”
“Bigyan mo siya ng oras.” Sabi ni Cristiano. “Maiintindihan din niya agad na pinoprotektahan mo siya.”
Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. Yep, yun yung astig kong kapatid. Lagi niya akong binibigyan ng payo at nakikinig ako at sumusunod minsan kahit ako yung boss at siya hindi. Nginitian ko siya.
“Salamat, C.” Ngumiti ako pabalik tapos naging seryoso yung boses ko. “Ngayon, kailangan natin mag-meeting. Kailangan nating malaman kung anong plano ng mga Swedes. Meeting mamayang gabi ng siyam pagkatapos ng hapunan. Huwag kang malalate.”
Tumango yung mga lalaki at umalis ako at bumalik sa kwarto. Umupo ako sa couch at tumingala sa kisame.
Bakit ko gustong protektahan si Rei higit kailanman? Xavier, anong nangyayari sayo? Anong ginagawa niya sa akin?
POV ni Royalti
Tumakbo ako palabas ng kusina at paakyat ng hagdan.
Napaka-asshole talaga ni Xavier! Bakit ba hindi ako pwede lumabas? Ni minsan hindi ko pa nakikita kung anong itsura ng Italya.
Nabangga ko yung isang tao at napatingala ako.
Si Damanico! Yeah! Nabangga ko na naman siya.
Tumingala ako sa kanya na may luha na tumutulo sa mukha ko.
“Ayos ka lang ba, Royalti?” Tanong niya sa akin na nag-aalala.
Umiyak lang ako sa mga bisig niya.
Naramdaman ko na nakakulong ako at nalulungkot kahit maraming tao sa paligid ko.
Naramdaman ko yung matipunong braso niya sa bewang ko at binuhat niya ako na parang bride style. Tapos dinala niya ako sa kwarto niya. Walang tao sa pasilyo.
Salamat naman!
Binuksan niya yung pinto niya at pumasok at sinara niya yung pinto gamit yung paa niya. Tapos pinahiga niya ako at umupo sa tabi ko.
“Anong problema, Royalti?” Tanong niya sa akin.
“X- Xavier.” Sabi ko habang umiiyak.
“Xavier?” Tanong sa akin ni Damanico na nagtataka. “Anong ginawa niya? Hindi ko alam na ganun siya kasungit sa mga babae.”
“Pinagbawalan niya akong tumapak sa labas ng mansyon pero gusto kong makita yung labas.” Umiyak ako. “Gusto kong LUMABAS!”
Umiyak ulit ako at nalungkot si Damanico sa akin.
“Well, tungkol sa problema sa pera.” Sabi ni Damien ng mahina. “Taya ko nagiging over protective siya sayo dahil hinahanap ka ng mga Swedes. Ayaw niyang mapatay ka kaya tinatakot ka niya kaya huwag na huwag kang susunod. Kapag nagbabanta si Xavier dahil sa pagmamahal, gusto ka niyang maging safe at yung mga hindi sumusunod…”
Nawala yung boses niya. Tumingin ako sa kanya.
“Ano?” Nagtatakang tanong ko. “Anong nangyayari?”
“Sila… napapatay o nakukulong o nakakatagpo sila ng masamang katapusan.” Sabi ni Damien ng mahina. “Yung nakakatanda kong kapatid na si Diane ay isa sa mga taong ganun. Gaya mo, ipinagbili siya. Binabalaan siya ni Xavier na huwag umalis sa bahay na 'to pero hindi niya sinunod yung utos niya at lumabas siya at nahuli siya at tinira ng labindalawang beses.”
“Sorry, hindi ko dapat tinanong.” Sabi ko ng mahina na na-realize na nalulungkot siya.
“Ayos lang.” Ngumiti siya sa akin.
Ngumiti ako pabalik.
Ang bait niya.
Nahuhulog na ba ako sa kanya? Ang bango ng kama niya. Parang tagsibol! Yung kama niya sobrang lambot na…
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nakatulog na ako sa kama niya.
POV ni Damanico
Nakita ko na ipinikit niya yung mata niya tapos nakatulog siya ng mapayapa. Ngumiti ako at tumayo sa kama ng mahina. Lumabas ako ng pinto at sinara ko ng tahimik. Bumalik ako sa trabaho tapos dumaan ako sa kusinero sa kusina kung saan kami kumakain. Hindi kami kumakain kasama yung mga boss.
Kumuha ako ng pagkain para kay Rei at para sa akin.
Sana hindi pa siya umalis. Teka, bakit ba ako kinakabahan na makita siya?
Itinakwil ko yung iniisip ko at bumalik ako sa kwarto ko. Nakasalubong ko yung mga boss habang paakyat ako.
“Nakita mo ba si Royalti?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Crissy. “Bigla na lang siyang nawala at wala siya sa kwarto niya.”
“Natutulog sa kwarto ko.” Sagot ko at nagulat sila.
“Nakain na ba?” Tanong sa akin ni Xavier na nag-aalaska at tumawa ako.
“Hindi pa, maestro.” Sagot ko. “Hindi ko pa nahawakan.”
“Uh huh.” Sabi ni Xavier na nag-aalaska. “Gaano katagal pa niya pipigilan?”
Sinabi niya yung huling parte sa sarili niya at lumampas sa akin at kinindatan ako. Tumawa ako at umiling. Yung iba tumawa at kinindatan ako habang lumalampas sila.
Pumunta ako sa kwarto ko. Natutulog pa rin si Royalti pero nagising siya nung pumasok ako.
“Sorry. Nagising ba kita?” Tanong ko.
“Hindi.” Ngumiti siya. “Gaano katagal na ako natutulog?”
“Apat na oras.” Sagot ko. “Pagkatapos ng isa. Bumili ako ng pananghalian kaya kung nagugutom ka pwede ka ng kumain.”
Umupo siya ng excited.
“Talaga?” Tanong niya na nagulat. “Talaga ba na binilhan mo ako ng pananghalian?”
Itinaas ko yung sandwich at soda at tumawa siya.
“Salamat, Damanico.” Sabi niya.
Umupo kami sa sahig habang nanonood ng sine habang kumakain at nagtatawanan. Naging madali sa akin na kausapin siya at matapat siya at bukas.