ANG WAKAS
Wala na kong ibang magawa kundi sugurin si Darius. Siya yung gusto kong labanan. Lahat ng mga kasama ko, busy sa pakikipaglaban. Maya-maya, nagkaharap na kami at nag-umpisa na kaming maglaban.
Agad kong binago yung anyo ko at ganun din siya. Pareho kaming tumalon sa ere para sugurin ang isa't isa. Sa una, ako lang kasi mas mabilis ako sa kanya gumalaw. Pero habang tumatagal, parang doble yung lakas niya.
Mabilis siyang umatake para kagatin ako sa leeg at nagtagumpay siya kaya napahiga ako sa lupa.
Hindi ko alam kung nakita ni Tiyo Raso 'to kaya mabilis niyang sinuntok yung lupa at nagkaroon ng bitak sa lupa kung saan nagaganap yung digmaan ngayon. Nayugyog yung buong lugar dahil sa pwersang 'yun at bumuo 'yun ng malaking malalim na butas. May iba pa kaming mga kasamahan na nagtapon ng mga kalaban sa butas.
Bumaling ulit ako sa gawi ni Darius at dahan-dahan siyang lumalapit sa akin at plano niyang tapusin yung buhay ko pero hindi inaasahan na may bumangga sa kanya.
Sandali... Tatay!?
Nanlaki yung mata ko nung nakita ko si Tatay, wala na kong ilusyon dahil siya talaga 'yun.
"Huwag kang makipag-empatiya sa anak ko rito Darius! Kung may problema ka sa akin, lalaban tayo!" sigaw ni Tatay at mabilis na sinuntok si Darius dahilan para matumba siya sa lupa. Dumating din yung ibang kasamahan ni Tatay at mas lalo naming dinagdagan yung lakas namin.
.naglaban sila ng ilang sandali at tutulungan ko na sana si Tatay pero isang lalaki na pamilyar yung mukha ang pumigil sa akin. Kilala ko yung mukha niya kasi isa siya sa mga Tripos at siya yung lalaking nagbigay ng prutas kay Nanay. Agad siyang sumugod sa akin at agad akong nakaiwas.
Alam ko ngayon yung tamang oras para makaganti kay Nanay. Mabilis siyang kumilos pero nakakasabay ako. Maya-maya, nagawa kong iwasan yung suntok niya at agad akong pumunta sa likuran niya para kagatin yung ulo niya at hilahin 'yun hanggang sa mapaghiwalay 'yun sa katawan niya.
Sa wakas, nagawa kong patumbahin 'yung isa na 'yun. Agad kong binaling yung atensyon ko sa mga ginagawa nila Tatay pero wala na sila sa kinaroroonan nila. Paglingon ko, agad kong nakita si Darius na mabilis na tumatakbo papalapit sa akin at balak niya akong itulak sa sirang lupa. Hahakbang na sana ako para umiwas pero agad kong naramdaman yung pamamanhid ng buong katawan ko, pinilit kong iling yung ulo ko sa gilid ko, at agad kong nakita yung isang babae mula sa Tripo na gumagamit ng mahika para i-immobilize ako. Papalapit ng papalapit si Darius sa kinaroroonan ko at wala na kong magawa kundi ipikit yung mata ko.
Pero hindi inaasahan na may biglang tumulak sa akin at agad akong napunta sa gilid. .huli na nung nakita ko na si Tatay 'yun at tinulak siya ni Darius papunta sa butas pero hindi nagwagi si Tatay dahil kasabay ng pagbagsak niya ay bumagsak din si Darius.
'Tatay!" sigaw ko at agad akong tumingin sa butas para subukan siyang iligtas pero huli na. .ang tanging magagawa ko na lang ay umiyak habang nakatingin sa butas. Agad akong umungol ng malakas para senyasan yung lahat ng nakita ko.
Maya-maya, unti-unting umurong yung grupo ni Darius dahil nalaman nilang patay na si Darius.. patuloy na nakatitig sa butas habang unti-unti itong nagbabago sa anyo ng tao. Blanko yung isip ko dahil sa nasaksihan ko. Maya-maya, lahat ng mga miyembro namin pumunta sa akin, kasama na si Tiyo Raso, Marcus, at pati na rin si Mercedes.
Alam ko na maraming kasalanan at pagkukulang si Tatay sa akin pero mahal na mahal ko siya dahil sa mga sakripisyo niya sa akin simula pagkabata.
Kasabay ng paglubog ng araw ay ang katapusan ng madugong digmaan, maraming namatay at nag sakripisyo para matapos ang kasamaang ito. Pero hindi nasayang ang lahat dahil sa huli nagtagumpay kami at natigil ang masamang plano ni Flame Alpha na sakupin ang mundo.
10 TAON ANG NAKALIPAS...
Ilang taon na rin ang lumipas at maayos na ang lahat. Ngayon parang mas okay na yung buhay ko kesa dati. Ngayon ako na yung nagpapatakbo ng mga kompanya ni Tatay mag-isa. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, marami akong natutunan. .mas nahubog yung pagkatao ko hindi lang bilang CEO ng mga kompanya pati na rin bilang Alpha ng pack ko.
Ngayon masaya ako kasi payapa na ulit ang lahat. Naniniwala ako sa kasabihang 'kung may umalis, may darating'. Dahil nawala yung pamilya ko at dumating si Anna sa buhay ko, alam ko na hindi naging madali ang lahat sa amin pero ngayon magkasama na kami at nagsisimula ng bumuo ng pamilya.
Nag-sorry ng sobra si Celeste sa mga ginawa niya, inamin niya lahat ng masamang nagawa niya hindi lang sa akin pati na rin kay Anna. Napagdesisyunan naming patawarin siya dahil sa taos puso niyang paghingi ng tawad.
"Hon... Saan tayo pupunta, bakit kailangan kong takpan yung mata ko?" tanong ni Anna, nasa kotse ko na kami at pupunta kami sa bahay ni Lola Cita dahil doon ko binalak na mag-propose sa kanya.
"Basta malapit na tayo," sagot ko.
Lumipas ang ilang sandali nakarating kami sa bahay ni Lola Cita, ayon sa plano ko nakahanda na lahat sa bahay ni Lola Cita.
Agad akong bumaba ng kotse para pagbuksan si Anna.. ngumiti ako nung nakita ko si Mercedes, Althea, Celeste, Marcus, Tiyo Raso, Lola Cita, at iba pa na naghihintay sa loob ng bahay.
Maya-maya, pumasok kami ni Anna na nakatakip pa rin yung mata niya.. pagkatapos ng ilang sandali, dahan-dahan kong tinanggal yung takip sa mata niya at agad na lumuhod sa likuran niya.
'Surpresa!" Sigawan ng lahat. Lumibot ng tingin si Anna sa buong bahay na ngayon ay puno ng pulang rosas. Maya-maya, napadpad yung mata niya sa akin.
"Anna Madrigal... Alam ko na maraming pinagdaanan ang buhay natin, mapahirap man o ginhawa. Mula nung nakita kita, alam ko na kung sino yung gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Anna Madrigal, hinihiling ko ang iyong kamay ngayon para payagan mo akong maging iyo habang buhay, papayag ka bang pakasalan ako?" pangako ko.
Nakita ko yung mga luha niya na unti-unting tumulo. "Oo, Drake. OO!" sagot niya at nagsimula nang sumigaw ang lahat, natuwa akong suotin sa kanya yung singsing na hawak ko at agad niya akong niyakap.
"Mahal kita Anna Madrigal Xillzion," pangako ko habang nakangiti.
"Mahal din kita, Drake Xillzion." Sagot niya, gumalaw ng dahan-dahan yung ulo ko at dahan-dahang nagdikit yung labi namin.
Pareho pa rin yung labi niya, walang nagbago. Malambot at matamis pa rin katulad ng dati.
Ginagawa namin yung kinabukasan o future namin. Lahat may hawak na panulat at blangkong papel para gawin yung sarili nilang kwento sa buhay. Alam ko na yung pinagdaanan namin ni Anna sa buhay ay hindi madali, siguro ganun talaga. Kailangan mong sumugal at makaramdam ng pagkadismaya bago mo maramdaman yung tagumpay at pangarap na ninanais mo.
Buhay ay kayamanan...
Pag-ibig ay pagpipilian...
Tayo ang may gawa ng sarili nating kwento, kaya gawin natin itong masayang katapusan dahil ang kaligayahan ay walang katumbas.
THE END.