Kabanata 77
Bawat hakbang ko papalapit sa kotse niya ay bilis din ng tibok ng puso ko. Ilang segundo na lang at narating ko na kung saan siya nakatayo.
Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya nanahimik na lang ako habang nakatitig siya sa akin. Maya-maya ngumiti siya at lumapit sa akin.
"Gusto kitang makita bago ako maglakbay para iligtas si Mercedes." Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko dahil sa sinabi niya.
Tapos nakuha na nila ang impormasyon para mahanap ang nanay ni Marcus.
'Mahal na mahal kita Anna, at kahit gaano mo pa ako itaboy pipiliin ko pa ring mahalin ka. Sinasabi ko 'to dahil kung hindi tayo mananalo sa laban na 'to kahit sa huling araw ko kaya kong sabihin sa'yo ang nararamdaman ko. Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko, simula sa pag-agaw ko ng footlong mo at pagkuha sa'yo bilang sekretarya ko dahil doon mas lalo kitang nakilala. Anna, laging mag-iingat, at 'wag kang mag-aalala gagabayan at poprotektahan kita sa anumang oras." Buong emosyon niyang sinabi ang mga salitang 'yon. Damang dama ko kung gaano kaseryoso ang bawat letra na binabanggit niya ngayon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, pero hindi ako makasagot dahil kalungkutan lang ang nangunguna sa akin.
Dahan-dahan kong naramdaman na hinawakan ng kamay niya ang pisngi ko. Tumingala ako at nagtagpo ang paningin namin.
'Paalam, Anna..." Pagkasabi niya ng salitang 'yon dahan-dahan niyang binitawan ang pisngi ko. Wala sa sarili kong hinawakan ang dalawang kamay niya. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. 'P-pasensya na Drake... Pasensya na..." Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang salitang 'yon. Nakokonsensya ako sa lahat ng nagawa ko, hindi naman kasalanan ni Drake kung iniiwasan ko siya. Ang nangyari no'ng gabing 'yon pareho naming ginusto. Minahal namin ang isa't isa at hindi ko kayang itanggi 'yon.
Nagiisip ako sandali kung ano ang sasabihin dahil alam kong 'pag binitawan ko na ang kamay niya ngayon walang kasiguraduhan kung magkikita pa kami ulit. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ngayon.
"Sorry for what?" tanong niya at agad na pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"Drake sorry dahil ginagawa ko 'to sa'yo, pinapahirapan kita. Sorry dahil natatakot ako sa mga pwedeng mangyari kapag tinanggap ko ang pagmamahal mo. Sobrang sorry Drake. Hindi mo lang alam kung gaano ako nakokonsensya sa'yo tuwing pinaparamdam ko sa'yo na iniiwasan kita. Alam mo ang totoo Drake, mahal na mahal kita. At simula no'ng sinabi mo 'yon kanina, hindi ko alam parang gusto ko na lang na bumagal ang oras, sorry dahil ang daming nasayang sa ating dalawa. Drake, sobrang pasen—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla kong naramdaman ang malambot niyang labi sa akin. Nanigas ang buong katawan ko at unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. Tila may sariling buhay ang mga kamay ko nang bigla itong gumalaw at umakyat sa batok niya.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na 'to, parang tumigil ang oras at ang tibok lang ng puso namin ang aming naririnig.
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa matapos kami sa paghahalikan. Ngayon nakadikit na ang mga noo namin at ngitian na lang ang nagawa namin.
"Ipangako ko na aalagaan ko ang puso mo at hinding-hindi ka sasaktan. Mahal kita, Anna." Nakangiti niyang pangako.
"Mahal din kita Drake..." Para bang nakaramdam na naman ako ng lungkot no'ng sinabi ko ang katagang 'yon, marahil dahil alam kong aalis siya at hindi ko alam kung kailan ko siya ulit makikita o kung makikita ko pa ba siya ulit?
"Lumalalim na ang gabi. Goodnight Anna."
Hindi ko na gustong magsalita at gusto ko na lang na maglakad nang mabilis pabalik ng condo pero mahigpit ang paghila sa dibdib ko kaya nanatili ako kung saan ako nakatayo habang nagtataka si Drake.
"Anong problema?" Tanong niya. Hindi ko agad sinagot ang tanong niya dahil tumulo ang luha sa mata ko.
"Drake... Pangako babalik ka..." Nanghihina kong pangako.
"Pangako Anna, para sa'yo." Pagkatapos niyang bitawan ang katagang 'yon parang humupa ang nararamdaman ko. Binigyan ko siya ng malapad na ngiti at naglakad pabalik ng condo.
*****
POV NI CELESTE
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumapo sa pisngi ko. Agad kong hinimas ang sentido ko dahil sa hilo. Lasing na lasing ako kagabi at hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi ng ligtas.
Habang naglilikot ang mata ko bumalik sa akin ang mga pangyayari kahapon. Muling nabuhay ang lungkot at galit sa puso ko.
"Bwisit ka, Anna!" Wala sa sarili kong sinigaw sa kuwarto. Agad akong tumayo at inayos ang sarili.
Pagkatapos kong maghugas at mag-toothbrush lumabas ako ng kuwarto. Nakita ko si Blade sa mesa at kumakain ng almusal. Dahan-dahan akong lumapit sa likuran niya at hinalikan siya.
"Good morning babe..." Malambot ko siyang binati. Hindi siya sumagot at seryoso ang mukha niya, nakatuon lang siya sa pagkain niya. 'Bakit ganyan ang kilos mo? Anong problema?" Tanong ko bago umupo.
"Anong nangyayari sa utak mo Celeste, nakita mo namang kapos tayo sa pera? Nakainom ka pa," sagot niya at sinamaan ako ng tingin.
"'Yun lang ba? Hindi ka pa ba sanay sa akin?"
"So anong gusto mong gawin ko, mas matuwa pa sa ginawa mo?" Lalo pang kumunot ang noo niya at alam kong tumaas pa ang galit niya.
Hinimas ko ang sentido ko dahil medyo hilo pa rin ako. .sa totoo lang hindi naman ako sanay magpaliwanag pero dahil alam kong nag-uumpisa na siyang magalit kailangan ko siyang ipaliwanag ang dahilan ko para hindi na lumala pa ang away na 'to.
Tumahimik kami ng ilang segundo pagkatapos ay nagsimula na akong magpaliwanag.
"Ngayon alam mo na ang dahilan ko kung bakit ako nalasing kagabi," sabi ko pagkatapos kong isalaysay ang lahat ng nangyari kahapon.
"So ano ang plano mo? Huwag mong sabihing iiyak ka lang diyan at hahayaan mong sirain ng babaeng 'yon ang plano natin?"
"Oo naman, may plano ako, bigyan mo lang ako ng oras at magiging okay ang lahat," sagot ko nang nakangiti.
Nagkamali ka ng pinili Anna, kung hindi ka pa nakisali sa plano namin baka mas mahaba pa ang buhay mo dito sa mundo.