Kabanata 12
Ang sinag sa pisngi ko ang gumising sa akin. Nagising agad ako.
"Ahhh!" ungol ko dahil sa sakit ng tiyan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko ang mga nangyari kagabi.
***
"Tulungan niyo ako..." Sinubukan kong idilat ang mga mata ko, alam kong nakahiga ako sa sahig ng kalsada dahil sa lamig ng lupa.
Unti-unting umakyat ang boses ko dahil sa pagbuhat ng kung sino man.
Hindi ko ito makita dahil malabo ang mga mata ko at dahil sa sakit ng tiyan ko.
"Huwag ka ng magsalita, maayos ka naman," sabi niya. Napakalamig ng boses niya at panlalaki ng dating. Naaamoy ko din ang napakabangong aroma mula sa kanya.
Sa huli naramdaman kong inihiga niya ako sa isang bagay na malambot, unti-unti ding pumipikit ang mga mata ko.
"Sleep tight poor girl." Iyon na nga at tuluyan na akong nawalan ng malay.
***
"Ma'am, gising na po kayo. May gusto po ba kayong kainin? Okay na po ba ang pakiramdam niyo?" Bumalik na naman ako sa reyalidad nang may magsalita na weyters sa gilid ko.
"Ahm... Hello nasaan ako?" tanong ko na nagtataka.
"Nandito po kayo ngayon sa Guxillian Caf—"
"Oh my god!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla akong bumangon.
"Kailangan ko ng umalis, salamat sa pagtulong," sabi ko at mabilis na kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng cafe na iyon. Kahit masakit ang tiyan ko pinilit ko parin ang sarili kong maglakad hanggang sa makakuha ako ng taxi.
Paano ba naman hindi ako kabahan? Guxillian Cafe pa ang pinakamahal na cafe sa buong manila. Matagal ko ng alam iyon dahil sikat ito at mga bilyonaryo lang siguro ang nakakapasok doon.
Paano kung singilin nila ako sa pag-stay doon?
Wala akong pera pambayad, baka ipangsangla ko pa ang kaluluwa ko.
Inisip ko ulit ang nangyari kagabi.
Hindi ko man lang napasalamatan ang taong tumulong sa akin.
Anong pangalan niya?
"Sleep tight poor girl." Tumatak na naman sa utak ko ang salitang iyon.
Hindi ko alam kung bakit ngumiti ako ng palihim.
"ANNA!! OMG, nag-aalala ako sayo... akala ko kung ano na, thank you ligtas ka!" Umaalingawngaw ang bungad ni Thea. Agad niya akong niyakap dahilan para mapa-reklamo ako.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya, at ininspeksyon ang kabuuan ko.
Wala akong balak sabihin sa kanya ang bumabagabag sa akin dahil alam kong mag-aalala lang siya.
"Okay lang ako, medyo pagod lang sa pag-uwi. Bakit hindi ka pa nagtatrabaho?" tatanong ko.
"Hinintay kita besh. Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Aalis na rin ako dahil late na ako. Sigurado ka bang okay ka huh?" Paniniguro niya. Tumango ako.
"Mag-ingat ka," sabi ko bago siya umalis ng condo. Agad akong naligo at nagbihis.
Nagbabad din ako sa bathtub ng ilang minuto, pagkatapos ay agad akong humiga sa kama.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip sa lalaking nagligtas sa akin nang biglang may kumatok sa pintuan ng harapan.
Agad akong lumabas ng kwarto at tumingin kung sino iyon.
Nanigas ang tindig ko nang makita ko si Daruel sa harapan ko. Naka-shirt at black shorts ito. Halata ang ganda ng mga braso nito at panlalaki ang amoy.
Pilit ko siyang tinitigan.
Paano kung siya ang nagligtas sa akin ng gabing iyon—Nevermind.
"Hello." Natigil ako sa pag-iisip na sabihin iyon.
"Hi," sagot ko, "buti naman at lumabas ka?"
"Yeah, ahm hindi naman ako masyadong natamaan. Thank you so much sa pagtulong." Ngumiti ulit siya ng malapad bago nag-abot ng paperbag.
"Nag-luto ako ng adobo, at naisip kong ibigay sayo bilang pasasalamat."
"Salamat."
"Magkaibigan kayo ni Althea?"
"Ow kilala mo siya?"
"Actually bestfriend ko siya eh."
"Talaga? Ang ganda naman... Magkaibigan na kami noon pa man simula elementarya. Lumipat lang siya noon dahil magko-kolehiyo na siya, ngayon may trabaho na ako dito sa Manila. Sabi niya tumira ako dito sa condo niya dahil naiinip din siya dahil wala siyang kasama."
"Ah... Okay."
"Kumain ka na ba?" tanong ko, umiling siya. "Tara samahan mo ako kumain, mukhang marami rin iyon."
"Sure," masayang sabi nito. Pinapasok ko siya at agad siyang umupo sa dining table habang naghahanda ako ng pagkain.
"So kailan ka pa nakarating dito?" tanong niya.
"Kaka-araw lang. Medyo mangmang pa ako dito sa Manila life eh."
"Ang daming magagandang lugar dito," pangako niya. "Mahilig ka bang maglakad, like pumunta sa mga malls, salon at kung ano-ano pa."
"Actually hindi, hindi ako ang tipikal na babae na nag-eenjoy sa mga ganon. Mas masaya ako sa loob ng bahay at nagtatrabaho kesa mag-aksaya ng pera," sagot ko at agad lumapit sa pwesto niya para kumain.
"Wow, ngayon lang ata ako nakakilala ng babae na hindi mahilig sa mga ganoon."
"Hindi ko na kailangan iyon. Okay na ako mabuhay at wala akong balak pumansin o makipagkompitensya sa ibang tao."
"Yeah you're right... Gorgeous ka naman eh," sabi niya at nagsimulang kumain.
Lumabas ang kwentuhan sa kanya, nakakatuwang kausap at madaling pakisamahan.
"May kilala akong sikat na restaurant dito, pwede mo ba akong samahan?"
"Sure, basta ikaw ang manlilibre," panloloko ko.
"Sure, why not?"
"Hey, nagbibiro lang ako."
"Seryoso ako dito man."
"Okay okay, anong oras or specific date?"
"Maybe tomorrow?"
"Ahm... Sure."
"All right ako na maghuhugas ng mga plato," nagpaalam ako, akmang ililigpit ko ang mga pagkain na nakain namin nang bigla niya itong sinunggaban sa akin.
"Ako na ang maghuhugas."
"Hindi na ako."
"Nope, ako ang maghuhugas."
"Sigurado ka?"
"Of course, ako din naman mag-isa lang sa condo kaya expert ako sa gawaing bahay."
"Ikaw ang may sabi niyan."
Nagtagal din ng ilang minuto sa paghuhugas ng mga pinggan.
"All right mauuna na ako, mukhang hindi ka pa nakakatulog eh. Thanks again." Sabi niya.
"Thanks din sa pagkain."
Nag wave ito bago tuluyang umalis. Agad akong pumasok sa kwarto para humiga sa kama.
Inisip ko ulit ang lalaki noong gabing iyon. Nahihiya akong itanong kung siya ba ang lalaking tumulong sa akin.
Paano kung siya nga?
Ngumiti na lang ako habang nakatitig sa kisame. Unti-unti na akong inaantok.