Kabanata 89
Pagkatapos naming maglakbay nang matagal, hindi pa rin namin nararating 'yung kweba na sinasabi nina Lester at Tart. Lumubog na 'yung araw at hindi namin namamalayan ang paglipas ng oras. Maya-maya, huminto kami sa isang kweba.
"Malayo pa ba?" tanong ni Tito Raso.
"Hindi ko alam kung bakit hindi ko mahanap 'yung lagusan na pupuntahan natin," naguguluhang sabi ni Lester.
"Hindi ko rin nakita 'yung mga senyales," sang-ayon ni Tart.
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi niyo, baka ayaw niyo lang sabihin 'yung lagusan sa lider niyo," galit na sabi ni Marcus.
"Relax lang, pare. Bakit naman namin sasabihin sa'yo kung nasaan ang pugad namin? May kasunduan kami," sagot ni Lester.
"Para bang may gumagamit ng mahika para itago 'yung daan natin," sagot ko. Napatingin silang lahat sa akin. "Napapansin ko 'yung taba-tabang na puno na 'yan kanina pa." Tinuro ko 'yung isang malaking puno, ilang oras na kaming naglalakbay pero palagi kong nakikita 'yung punong 'yon.
"Baka parehong puno lang 'yung nakikita mo," sagot ni Berg.
"May nararamdaman din akong kakaiba sa paligid ko, parang may nanonood sa atin," sabi ni Hanz.
"Kung gano'n, kailangan muna nating magpalipas ng gabi dito para mag-obserba. Kasi kung itutuloy lang natin ang paglalakbay, baka mapagod tayo at samantalahin nila 'yon para atakehin tayo," suhestiyon ni Tito Raso at sumang-ayon ang lahat.
Nagsimulang maghanap ng kahoy 'yung iba at nag-apoy, habang si Marcus at ako naman ay naghanap ng mga hayop at prutas na pwede naming kainin.
Lumipas ang ilang sandali at nagsimulang dumilim ang paligid. Ngayon ay nasa loob na kami ng isang maliit na kweba at nakaupo sa paligid ng apoy habang naghihintay na maluto ang pagkain namin. Wala ring nagdala ng inumin, kaya kumuha kami ng inumin namin sa tubig na dumadaloy sa kweba.
Habang nakapalibot kami sa apoy, napansin ko 'yung malungkot na ekspresyon ni Lester at Tart.
"Bakit parang hindi kayo masaya?" tanong ko at napatingin silang lahat sa akin.
"Nag-aalala lang ako sa pamilya ko," sagot ni Lester. Parang wala siyang pakialam sa kahit ano pero ngayon nakita ko 'yung isa pa niyang sarili.
"'Yun din 'yung nasa isip ko ngayon," malungkot na sabi ni Tart.
"Bakit? Nasa panganib ba sila?" nagsimulang magtanong si Tito Raso.
"Hindi, nag-aalala lang kami dahil may batas kaming sinusunod. Sinumang magtaksil ay parurusahan ng kamatayan kasama ang buong pamilya," sagot ni Lester.
"So bakit gusto mo pa ring sumali sa kupal na grupong 'yon o ano?" tanong ni Marcus.
"Ayaw namin pero tinatakot kami. Gusto nilang maghiganti."
"Para saan?" tanong ko. Napatingin sa akin si Lester.
"Dahil sa tatay mo," dahan-dahan niyang sabi. Nagulat kaming lahat sa sagot niya.
Bakit? Nasa ibang bansa si Tatay kaya hindi siya pwedeng nasa likod ng iba.
"Bakit?"
"Hindi namin alam, kaunting impormasyon lang ang alam namin," sagot niya.
"Kung kay Tatay ang problema, bakit nila kinuha si Nanay?" tanong ni Marcus at nag-angat ang kilay.
"Hindi ko rin alam," sagot ko.
"Alam mo Drake, ayaw ko sanang sabihin 'to pero bakit parang si Nanay ang nagbabayad sa mga kasalanan mo," galit na sabi niya, nagsimula na rin akong magalit dahil sa sinabi niya.