Kabanata 92
Nakakuyom ang kamao ko nung maalala ko lahat ng 'yon, sinubukan kong kalimutan yung insidente sa buhay ko na parang nabuhay yung kagustuhan kong makaganti sa mga grupong 'yon.
'Kilala ko ang Tripos... Pinatay nila si Nanay ko,' pangako ko at nagulat ang lahat. 'Hinding-hindi ko makakalimutan ang grupong pumatay kay Nanay ko,' dagdag ko pa.
Maraming oras ang lumipas at nagpasya kaming magpahinga pero gising pa rin ako dahil hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Iniisip ko pa rin ang lagay ni Marcus dahil sa ginawa ko kanina.
Nagpasya akong maglakad-lakad muna, tulog na silang lahat kaya hindi nila napansin ang pag-alis ko. Dala ko rin ang selpon ko na nasa bulsa ko ngayon, gusto kong kumustahin si Anna. Ayoko sanang magdala ng selpon kasi baka makaabala sa misyon namin pero hindi ko mapigilang marinig ang boses ni Anna gusto ko siyang kamustahin at kung kamusta na siya.
Sa gitna ng gubat, walang signal kaya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang malaking bato. Umakyat ako doon para makasagap ng signal at hindi naman ako nabigo dahil may signal na ang selpon ko. Agad kong tinawagan ang numero ni Anna, tumunog ito ng ilang sandali at agad naman niyang sinagot.
"Drake..." Nung marinig ko yung boses niya, para akong nawalan ng pagod sa buong araw, parang nawala lahat ng nararamdaman ko ngayon dahil sa mala-anghel niyang boses.
"Hi, Anna gusto ko lang malaman kung okay ka lang diyan?"
"Okay lang ako, ikaw? Kamusta ka na?" May pag-aalala sa boses niya.
"Naglalakbay pa rin kami dahil hindi pa namin nakikita ng tuluyan ang pugad ng kalaban," paliwanag ko.
"Ganun ba, sige na matulog ka na alam kong pagod ka na, Drake. Aalis na kami ni Althea dahil pupunta kami sa isang event."
"Sana kasama kita ngayon para mahatid kita," pangako ko ng nakangiti.
"Hindi na kailangan, mag-focus ka muna sa misyon mo para matapos mo na. Nangako ka na babalik ka kaya palagi kang mag-iingat."
"Kayo rin mag-ingat diyan... I love you-"
"Anna! Tara na!" Naputol ang sasabihin ko nung may tumawag sa kanya.
"Ahm... Kailangan ko nang tapusin 'to, Drake, mag-iingat ka." 'Yun lang at pinatay na niya ang tawag. Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa selpon ko.
"I love you, Anna..." Pangako ko sa sarili ko.
Tatayo na sana ako pero biglang tumunog ang selpon ko. Agad ko itong tinignan at nakita ko ang isang mensahe galing kay Anna.
'I love you too, hihintayin kita hanggang sa pagbabalik mo ulit.'
Nakatitig ako dito ng ilang sandali at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko at nagsimulang kabahan ang dibdib ko na parang kinakabog.
Ngumiti ako at naglakad pabalik sa lugar nila Tiyo Raso pero hindi ko inaasahang nakarinig ako ng isang ungol mula sa malayo. Agad na pumasok sa isip ko si Marcus kaya sa halip na bumalik sa kweba ay nagpasya akong sundan ang ungol na narinig ko.