Kabanata 34
Pananaw ni Drake
Hindi ako makatulog.
Kakatapos ko lang mag-text sa kukuha sa 'tin bukas dito sa ospital.
Narinig kong bumukas 'yung pinto ng comfort room kaya nagkunwari akong tulog.
Hindi ko inasahan na lalapit sa 'kin si Anna at bubuslohan ako ng kumot.
Naramdaman kong umalis siya at pumunta sa kama niya.
Kalaunan, hindi ko sinasadyang narinig siyang kausap 'yung lola niya sa cellphone.
Mga sandali pa ay nagkwento siya tungkol sa pagkatanggal niya sa Bayleaf Hotel.
Bigla akong naawa sa kanya.
Mga ilang sandali pa ay narinig kong tinapos niya 'yung tawag at nakatulog. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Sakto siyang nakaharap sa kinaroroonan ko habang mahimbing na natutulog.
Pinagmasdan ko 'yung maamo niyang mukha, natural na natural siyang maganda dahil wala siyang kahit anong make-up pero napaka-espesyal niya.
May kakaibang pakiramdam na naman akong naramdaman sa puso ko, bumilis na naman 'yung tibok nito at para bang may mali.
Pinanood ko pa siya ng ilang minuto habang dahan-dahan akong nakatulog.
Nagising ako nang maaga dahil hindi ako mapalagay sa kama na hinihigaan ko. Shit, ramdam ko pa rin 'yung sakit ng sugat ko sa likod. Agad akong bumangon kinuha 'yung toothbrush at toothpaste sa mesa at agad na nagtungo sa comfort room para mag-sipilyo.
Maya-maya ay agad akong lumabas, nakita kong tulog pa rin si Anna. Hindi ako lumapit sa kanya.
Pinagmasdan ko 'yung maamo niyang mukha.
Naisip ko munang magpapahangin kaya pumunta ako sa rooftop ng building.
Agad kong tinawagan si Mercedes para ipaalam 'yung nangyari kahapon.
“Hello,” sagot niya sa kabilang linya. “Tinawagan ka ba, Drake?”
“Mercedes, may sasabihin ako sa 'yo, kahapon habang nasa flight ako, biglang may lalaking sumulpot sa daan at inatake ako. Hindi ko alam kung sino siya at bakit niya alam kung sino ako… pero ang sigurado ko lang ay alam kong bampira siya,” mahabang paliwanag ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya.
“Drake… parang nag-uumpisa nang matupad 'yung propesiya. Kaninang umaga lang may nag-report sa amin ng problema. Kung may oras ka, pumunta ka rito sa bahay at ie-explain ko sa 'yo,” sabi niya.
“Asahan mo 'yan Mercedes,” sagot ko.
“Mag-iingat ka Drake,” utos niya bago tuluyang pinatay 'yung tawag.
Tumingin ako sa matingkad na araw, malamig 'yung hangin.
Nag-isip ako sandali. Isa na akong ganap na lobo, pero hindi ko alam ang estado ko. Hindi ko alam kung sino ang mga ka-alyado at kalaban ko.
Ang iniisip ko lang ay magkakaroon ako ng problema kung paano itatago 'yung totoong pagkatao ko sa mundo, hindi ko alam na may responsibilidad pa pala akong protektahan ang lahi ko.
Anong magagawa ko? Hindi ko sila pwedeng iwanan.
Napahinga ako habang nagbabalik-tanaw sa mga alaala ni tatay at nanay noong nabubuhay pa siya.
// FLASHBACK //
“Drake halika rito!” sigaw ni nanay habang tumatakbo siya papunta sa isang tagong bakuran ng bahay namin.
Agad ko siyang sinundan, nagulat ako nang makita ang tatlong malalaking lobo sa bakuran. Dalawang itim at isang puting lobo. Dahan-dahan akong naglakad.
“Nanay…” mahina kong sambit. Ngumiti si nanay sa 'kin at hinawakan niya 'yung kamay ko para ilapit ako sa kanila.
“Huwag kang matakot Drake, sila si Tito Fon at 'yung Tiya Feni mo,” pagpapakilala niya.
“Sino 'yung isa sa kanila?” tanong ko.
Ngumiti si nanay at binuhat ako.
“Hindi mo ba alam? 'Yan 'yung tatay mo,” paliwanag niya. Nanlaki ang mga mata ko, maya-maya ay lumapit sa 'kin si tatay, nagkatitigan kami sa kulay ng pula niyang mga mata.
Nagulat ako nang bigla niyang inunat 'yung katawan niya sa 'kin at kinuskos ang malambot nitong balahibo.
Malapad akong ngumiti.
“Nanay, gusto ko rin matutong magpalit katulad nila,” sabi ko nang nakangiti. ngumiti si nanay at ginulo ang buhok ko.
“Sa tamang panahon Drake, matututunan mo rin 'yan,” sagot niya nang nakangiti.
Biglang inilagay ako ni nanay sa likod ni tatay at tumakbo siya na parang kabayo habang yakap ko siya.
Hindi ko pinagsisisihan na sila ang naging pamilya ko. masaya kami kahit mahirap 'yung sitwasyon dahil sa kung sino kami.
// END OF FLASHBACK //
“Lalim ng iniisip mo Sir Drake ah,” nagulat ako sa paglingon ko dahil sa narinig kong boses ni Anna.
Lumapit siya sa 'kin at nag-inat din sa magandang tanawin.
“Gising ka na pala, kumusta 'yung pakiramdam mo?” tanong ko.
Ngumiti siya.
“Okay lang Sir Drake. Salamat sa pag-aalaga sa 'kin,” sagot niya.
“Ganda ng pagmasdan 'yung araw, 'no, Sir Drake?” tanong niya nang nagtataka. Tumango ako.
“Minsan kapag may hindi maipaliwanag na pakiramdam, ibinubulong ko 'yan sa araw at naglalaho na lang ng kusa. Medyo kakaiba pero effective naman sa 'kin,” sabi niya habang nakatitig sa matingkad na araw.
'Mahirap mabuhay sa mundong ito,” sabi ko kalaunan. 'Maraming responsibilidad at mga bagay na gagawin,” dagdag ko.
“Nandito tayo sa mundong ito, hindi natin gustong mamatay para lang takasan 'yung responsibilidad natin sa mundong ito..ang mas magandang bagay na pwede nating gawin ay lumaban na lang at magpatuloy,” sagot niya. Metapora at nakakagaan ng pakiramdam ang sinasabi niya.
“Tara na, maya-maya may susundo na sa 'tin,” sabi ko at akmang aalis na nang bigla siyang nagsalita.
“Sir Drake, pwede po bang humiling. Nahihiya man ako pero nami-miss ko po si Lola, pwede po ba tayong dumaan sandali? Malapit lang naman siya sa ospital. Ito,” sabi niya.
Lumingon ako sa kanya at punong-puno ng pagmamakaawa ang mga mata niya.
Nag-isip ako nang kaunti bago tumango.
“Sir? Maraming salamat po!” sigaw niya at bigla siyang tumakbo papalapit sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit.
“Salamat na salamat po,” umiiyak niyang sabi habang yakap pa rin ako. Hinagod ko 'yung likod niya.
Bakit siya umiiyak? Namimiss ba niya masyado 'yung lola niya?
“Uwi na tayo, pwede pang mabasa 'yung damit ko sa mga luha mo,” sabi ko. Dahan-dahan niyang kinalas ang yakap.
Pinunasan ko 'yung mga luha sa pisngi niya, nagulat siya dahil sa ginawa ko.
“Maghanda ka na, maya-maya pupuntahan natin 'yung lola mo,” sabi ko at umalis.
Naiwang tulala siya habang nakangiti.