Kabanata 85
Nakatitig ako sa mukha ni Maám Amanda, tiningnan ko nang mabuti ang kanyang tindig at may pagkakahawig nga sa itsura ni Anna. Pero hindi ako dapat basta maniwala nang walang ebidensya.
"Mayroon ba kayong mga litrato o mga gamit na ginagamit ng anak niyo na pwedeng magpatunay na si Anna, kaibigan ko, at si Anna, anak niyo, ay iisa?"
Si Anna ay kasama ko na simula pagkabata, kaya kung may mga bagay na importante sa kanya na gusto niyang sabihin, ako lang ang sinasabihan niya.
"Wala kaming litrato na maipapakita sa inyo dahil noong ipanganak ko siya, hindi ko pa siya nakita," malungkot na sagot ni Mrs. Madrigal. Nanahimik ang buong silid at hindi ko pa rin alam kung ano ang paniniwalaan.
"Teka lang... Noong ipinanganak ang anak namin, nilagyan ko siya ng pulseras sa kamay niya at nilagyan ko rin ng pangalan niya," sabi ni Mr. Madrigal.
Sa mga sandaling iyon alam ko na ang sagot sa mga tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit biglang sumaya ang puso ko.
*****
"Anna, napansin ko lang bakit parang hindi mo pinalitan ang pulseras mo? Matagal na 'yan ah, tara at bumili tayo ng magandang pulseras sa labas pagkatapos ng eskwela."
"Hindi ko 'to tinatanggal Thea kasi importante 'to sa akin, sabi sa akin ni Lola ito daw ang pulseras na suot ko simula noong pinanganak ako."
"Ah, ganun ba, kaya pala kahit matagal na hindi mo pa rin tinatapon kasi importante."
*****
Alam kong hindi ako nagkakamali na ang pulseras na pinag-uusapan nila ngayon ay ang pulseras na suot ni Anna noon pa.
Kinuha ko agad ang cellphone ko sa aking bulsa at agad hinanap ang lumang litrato naming dalawa ni Anna noong elementarya pa kami. Agad kong sini-zoom ang litrato para makita ang pulseras na suot ni Anna.
"Ito ba ang pulseras na tinutukoy niyo?" masayang tanong ko at ipinakita ko sa kanila ang litrato. Biglang may ngiti sa labi ni Mr. Madrigal.
"Oh Jesus! Ito nga!" masayang sagot niya. Napansin ko na mas humigpit ang hawak ni Mrs. Madrigal sa kamay ng kanyang asawa. "Amanda! Tama ang hinala mo, hindi namatay ang anak natin dahil buhay pa siya!" sigaw ni Mr. Madrigal na hindi makapaniwala. Wala na siyang pakialam kung naririnig siya ng mga katulong na abala na ngayon sa kanilang gawain.
Ang tanging reaksyon na lang ni Maám Amanda ay gulat na gulat, hindi pa rin niya lubos na maintindihan. Hindi niya mapigilang umiyak. Habang pinapanood ko silang dalawa, hindi ko rin napigilang umiyak, hindi lang dahil alam kong nakita na nila ang kanilang anak, kundi dahil alam ko kung gaano na sabik si Anna na makasama ang kanyang tunay na magulang, alam ko na kahit minsan ayaw niyang pag-usapan ang kanyang tunay na magulang dahil ang nasa isip niya lang ay pinabayaan siya, ngayon na alam ko na ang tunay na istorya sigurado akong sabik na rin siya na makasama ang kanyang tunay na magulang.
"Gusto ko siyang makita, Hon gusto kong makita ang anak natin. Gusto kong makita si Anna..." maya-maya pa si Mrs. Madrigal.
"Hon... Kalma lang, hindi natin kailangang supresahin siya. Baka lalo lang maguluhan ang isip niya, hindi naman tayo basta-basta lalapit sa kanya at sasabihin na kami ang tunay niyang magulang. Baka maguluhan siya at lumayo sa atin," sagot ni Mr. Madrigal. Sang-ayon ako sa sinabi niya dahil matagal na silang nawala kaya hindi dapat siya magulat kung malalaman niya kung sino ang tunay niyang magulang.
"At dapat din tayong magkaroon ng matibay na ebidensya para hindi siya magtaka at magduda tulad ng DNA test," suhestiyon ko. Agad akong tumayo at lumapit kay Maám Amanda, hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan ko siya. "Ako na ang bahala sa kanya, ako na ang magpapaliwanag. Nangangako ako na makakasama niyo rin siya sa lalong madaling panahon dahil alam ko na sabik din siyang makasama kayo."
//END NG FLASHBACK//
"Hayaan mo na, Anna, malapit mo na rin makasama ang mga tunay mong magulang."
Nilagay ko ang plastic bag sa aking bag at pumunta sa aking kama upang matulog.