Limampu
Elsa
Huli kong sinagot 'yung tawag ni Rosa pagkatapos ng halos dalawampu niyang missed calls.
"Elsa? Nagmimisyon ka bang bigyan ako ng sakit sa ulo, kung oo, mahusay mo ginagawa. Bakit 'di mo sinasagot mga tawag ko?" sabi niya pagkasagot ko.
"Mi dispiace Mamma Rosa," paghingi ko ng tawad.
"Nasaan ka? Bakit 'di ka pa umuuwi? Nag-aalala ako sa 'yo," sabi niya. Kahit halatang nag-aalala talaga siya, hindi ko ramdam. Dinala ba niya si Federico dito kasi tatlong araw na akong 'di umuuwi? Ang laking katatawanan naman nun kung ginawa niya. Baka barilin pa siya sa gate.
"Okay lang ako, Rosa. Huwag ka nang mag-alala. Kasama ko si Rita. 'Wag ka nang masyadong mag-alala sa akin. Hindi na ako bata," sabi ko sa kanya. Bakit kailangan ko pang ipaalala sa kanila 'to palagi?
"Alam ko 'yan, mahal pero may dahilan tayo para mag-alala. Hindi tayo sigurado na ligtas ka kung nasaan ka. Maraming mangangaso sa buong Sicily na gusto ka, mahal. Kailangan nating siguraduhin na ligtas ka saan ka man pumunta," sagot niya. Mangangaso na pinamumunuan ng lover mo?
"'Wag kang mag-alala sa akin. Okay lang ako. Uuwi ako kapag natapos ko na 'yung kay Rita. Alam mo naman kung gaano ko siya na-miss. Kailangan ko pa ng oras," pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Alam ko 'yan mahal, pero subukan mong tawagan 'yung tiyuhin mo. Nag-aalala rin siya."
"Ginawa ko na. Bye Rosa. Kailangan ko nang umalis," sabi ko na naiinip na matapos na ang tawag. Naka-ready na si Rita ng sine kasama ang mga snacks na kailangan namin at nakahinto na para hintayin ako. Nagdesisyon kaming magpalipas ng buong araw ngayon sa loob, nanonood ng sine, kumakain, umiinom, at nag-uusap.
"Bye, mahal. Mag-ingat ka, at sagutin mo 'yung tawag mo. Hindi namin maiwasang mag-alala kapag hindi ka sumasagot."
"Okay. Bye na," binaba ko na ang tawag at umikot ang mga mata ko. May lakas ng loob siyang magkunwaring nagmamalasakit pa sa akin, mas higit pa sa nanay ko. Nag-mental note ako na tatawagan ko si mama mamaya.
"Bilisan mo, Elsa. Pagod na ako kakahintay," tawag sa akin ni Rita.
"Papunta na," sagot ko habang naglalakad papunta sa couch. Lumubog ako at tinakpan namin ang sarili namin ng kumot. Pinindot niya ang play button sa remote at nagsimula nang tumugtog ang sine. Parang romantic na kalokohan na nagpapaisip sa akin kay Marcello at nagpapakita ng kahalayan sa parehong oras.
Pagkatapos ng unang sine, nagpatugtog kami ng isa pa. Mas mainit pa 'to at nakakasakit ng puso, napaiyak ako.
Pagkatapos namin sa ikalawang sine, emosyonal na ako. Sinuhestyon ko na mag-play kami ng action thriller pero nagkaroon ng romantic background at namatay 'yung bayani sa dulo. Nakakalungkot kaya naalala ko 'yung nung inanunsyo na binaril si Marcello sa Naples. Paano kung ang love story ko ay may parehong trahedya na katapusan? Isa sa amin ay maaaring mamatay, hindi dahil sa putok ng baril o lason o pagkasakal ng aming maraming kaaway at 'yung isa, marahil ako dahil sa sakit ng puso pagkatapos. Napakadaling masira ng buhay namin lalo na kay Marcello. Talagang nakikipag-ugnayan siya sa napakaraming tao na karamihan sa kanila ay hindi masaya na makita siyang ganoon ka-successful sa kanyang murang edad. Mas bukas siya sa mga pagbabanta sa kamatayan kaysa sa akin. Paano kung magtagumpay talaga tayong maglakad at mamatay akong mafia widow sa murang edad?
Putangina ng buhay!
Masyadong maikli ang buhay natin. Tama si Rita. Paano kung wala ko si Marcello bukas? Pwedeng mangyari ang kahit ano. Pwede akong mahuli ni Federico at ng mga tauhan niya at hindi ko na siya makita ulit. Baka huli na 'to.
Nagsisimulang mag-racing ang puso ko, at sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero walang nangyayari. Nasaan na si Marcello ngayon? Okay lang ba siya? Paano kung may nangyari sa kanya? Paano kung inatake siya at binaril sa daan papunta sa hotel?
Nagsisimula na akong maging delusional.
Pero bakit hindi siya tumawag sa akin simula nang umalis ako? Baka masyado siyang busy. Sinusubukan kong kausapin ang utak ko pero hindi ko mapigilan ang pagiisip tungkol doon.
Pagkatapos ng sine, tumayo ako at kinuha ang telepono ko.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Rita.
"Kailangan kong tawagan si Marcello. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya," sagot ko, isinasaulo ang numero niya.
"Oh, sige na. Kailangan ko munang umihi," sabi niya, tumayo.
Hindi available ang numero.
Shit!
Nag-panic na ang katawan ko at tumaas ang presyon ng dugo ko. Huminga ako nang malalim at sinubukan kong tumawag ulit.
Patay ang telepono.
Anong nangyayari?
Tiningnan ko ang oras. Alas sais y kwarenta y otso na. Baka nasa mahalagang pagpupulong?
Dinalo ko si Gabrielle pero patay din ang telepono niya.
Oh Diyos!
Magkasama kaya sila? Baka nasa mahalagang pagpupulong silang dalawa.
Pumipihit ako sa buong kwarto sinusubukang mag-isip nang maayos.
Siguro okay lang sila.
Agad akong lumipat sa isang news channel. Walang anunsyo ng kamatayan o nakababahala na balita. Sinubukan ko pang maghanap sa aking telepono ngunit walang ganoong balitang inaanunsyo.
"Nakausap mo na ba siya?" tanong ni Rita sa pagbalik niya.
"Hindi. Patay ang telepono niya. Sinubukan kong maabot ang kanyang assistant pero patay din ang telepono niya. Sa tingin ko ay nasa mahalagang pagpupulong sila kung hindi sila namatay sa plinano na aksidente sa kotse o pagbagsak ng eroplano," sagot ko.
"Whoa! Huminga ka, Elsa. Sa tingin ko overreacting ka. Pwede mo ulit subukan mamaya. Subukan mong mag-isip ng positibo kung hindi ah magkaka-atake ka sa puso. Halika, manood tayo ng isa pang sine. Baka pwede mo siyang tawagan ulit mamaya," suhestiyon ni Rita. Inilagay ko ulit ang telepono sa mesa at umupo ulit sa sofa. Nagpatuloy kami sa aming marathon ng sine pero abala ako sa aking mga iniisip kalahati ng oras.