Pitumpu't Anim
Elsa
Nakakabagot 'tong biyahe na 'to, ah.
Walang nagsasalita pagkatapos ng tawag kay Marcello. Si Marco parang lutang sa kanyang iniisip tapos si Alessia naman naglalaro sa kanyang phone. Nagko-concentrate ako na hindi sumuka, parang totoong mangyayari na kada minutong lumilipas.
Kailangan kong lumabas sa kotse na 'to.
"Puwede ba tayong huminto? Kailangan kong magbanyo."
Tinatanong ni Marco si Alessia kung gusto niyang huminto, at nagkibit-balikat ang babae na 'yon nang hindi man lang tumitingin sa kanyang phone. Nakita niya ang mga mata ko sa rear view mirror. "Hihinto ako sa gilid ng daan. May mga damo at puno diyan."
"Shit ka. Totoong banyo na may totoong palikuran o sumusumpa ako, sisirain ko ang leather upholstery sa kotse na 'to."
Sinamaan niya ako ng tingin, tapos tumawag. Kung sino man ang nasa tawag tinatawag siyang Don Rossi, kaya iniisip ko na trabahador siya ni Marco. Kakaiba na hindi siya nagta-travel na may lebel ng seguridad at pagka-paranoia na nakakaapekto sa... ibang mga boss ng mafia. Kumpiyansa ba 'yon o katangahan?
Nang huminto kami sa wakas sa isang petrol station, dalawang itim na SUV ang nakaparada doon. Apat na lalaki ang lumabas sa bawat kotse, isang maliit na hukbo ng mga thug na kamukha ng mga sundalo, bawat isa ay nakasuot ng itim na cargo pants, itim na t-shirt, at itim na combat boots. Bumuo sila ng perimeter sa paligid ng istasyon, matatalas na mata na nag-i-scan sa paligid. Ito ang hukbo ni Marco. Na-isip ko lang ba siyang tanga kanina?
Malinaw na si Marco ay kahit ano, maliban sa tanga, dahil may dalawang lalaki na sumunod sa akin at kay Alessia papunta sa banyo ng mga babae. Imposible ang anumang pagtatangkang tumakas dito. Naghintay ang mga lalaki sa labas habang pumapasok kami ni Alessia. Sinara ko ang pinto ng kubeta at huminga nang malalim.
Nang matapos ako at lumabas para maghugas ng kamay, si Alessia ay nag-aayos ng kanyang makeup sa salamin.
Naghahalungkat sa kanyang pitaka, itinaas niya ang isang stick ng concealer. "Para sa iyong mga mata."
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, na nagugulat sa nakita ko. Ang pagiging binihag ay hindi nakatulong sa aking kutis. Mukha akong pagod, ang aking balat ay maputla. Madilim na bilog ang nakabitin sa ilalim ng aking mga mata, na perpektong tumutugma sa paghihirap na nakikita doon.
"Huwag kang malungkot," sabi ni Alessia. "Papakawalan ka ni Marco kapag nakuha niya ang gusto niya kay Marcello. Bukod pa," patuloy niya, "Mawawalan din ng lahat si Marcello. Ang aking Marco ay napakatalino sa mga computer at mayroon siyang mata at tainga saanman."
Anong ibig sabihin niyan? Gagamitin ako ni Marco para pabagsakin si Marcello? Bahagi ba 'yon ng aking ransom?
"Huwag kang mag-alala. Maraming importanteng lalaki sa Naples ang nagtatrabaho para sa aking Marco. Makakahanap ka ng iba."
Halos mang-uyam ako. Hindi, salamat. Kung lalayo ako kay Marcello, ayaw ko ng isa pang lalaking mafia. Gusto ko ng accountant o architect. Isang barista, siguro. Isang taong may regular na trabaho na hindi kasali ang pagpatay ng mga tao.
"Okay lang ako," sabi ko, habang tinataboy ang kanyang concealer. "Babalik ako pauwi. May pamilya at mga kaibigan ako. Hindi ako pwedeng manatili sa Naples.
Kung iniisip ni Alessia na golddigger mistress ako gaya niya, siya ang joke ngayon. Anak ako ng bilyonaryo at kaya kong makuha ang lahat ng kailangan ko. Hindi ko kailangang habulin ang mayayaman lalo na ang mga lalaking mafia na may asawa tulad niya para kumita ng kaligayahan. Kaya kong ibigay 'yon sa sarili ko kung gusto ko.
Siguro hindi sinabi ni Marcello sa kanila ang tungkol sa aking pagkatao. Mabuti 'yon.
Pinakinis ni Alessia ang mga gilid ng kanyang mga labi. "Hindi ako kailanman aalis. Walang katulad ng isang makapangyarihang lalaki sa pagitan ng iyong mga binti. Bakit gusto mo ng iba?"
Pag-iingat sa sarili, siguro?
Hindi ko pinansin ang kanyang tanong.
"Pwedeng makahiram ng lipstick?"
Gustong-gusto akong tulungan na itama ang kakila-kilabot na mali ng aking mukhang walang makeup, iniabot niya ang isang tubo. Tinanggap ko ito tapos nabitawan ko, at gumulong ang tubo sa ilalim ng pinto ng kubeta. "Damn it," sabi ko, nagmamadaling pumasok sa kubeta kasunod ng lipstick ni Alessia. Nang hawak ko na ang tubo, tinanggal ko ang takip nito at sumulat nang galit na galit sa lumang metal.
Tawagan ang pulis. Kinidnap ni Marco Rossi.
Tapos naglagay ako ng lipstick sa aking mga labi at lumabas. "Anong itsura?" tanong ko kay Alessia, na naglalagay ng mas maraming mascara.
"Mali ang kulay niyan para sa'yo." Naglabas siya ng isang pakete ng makeup remover wipes. "Eto, gamitin mo 'to at bibigyan kita ng isa pa."
Sige, oo. Bakit hindi? Dalawang mafia lover na nagkikita sa banyo, nagpapalitan ng mga tip sa makeup at nagpapaganda para sa mga mamamatay-tao.
Gising, Elsa.
At sino ang nagmamalasakit kung ano ang itsura ko?
Ginamit ko ang remover wipe sa aking mga labi tapos itinapon ko. "Hindi, salamat. Hindi ko kailangan ng lipstick."
"Bahala ka," pinahaba niya ang kanyang perpektong buhok. "Tara na. Ayaw maghintay ni Marco."
Sumunod ako sa kanya palabas ng banyo. "May pagkain ka ba?"
"Mas maraming protein bars sa kotse."
Sinundan kami ng mga lalaki pabalik sa kotse, kung saan nakatayo si Marco na nakakunot ang noo sa direksyon namin. Nagbigay siya ng ilang utos sa mga lalaki sa likuran namin, at ang dalawang sundalo ay tumalikod at bumalik sa banyo ng mga babae. Shit. Mahahanap kaya nila ang isinulat ko?
Sinubukan kong huwag mag-panic habang nakaupo sa likuran ng kotse. Nakatayo si Marco sa labas, hindi gumagalaw, at binigyan ako ni Alessia ng isang protein bar at isa pang bote ng tubig bago bumalik sa kanyang telepono. Mabilis kong kinain ito, umaasang mapakalma ang aking tiyan para sa biyahe, at tumingin sa labas ng bintana.
Lumabas ang dalawang sundalo, at ang isa ay lumapit para tahimik na makipag-usap kay Marco. Nang umupo si Marco sa driver's seat, nahuli ng kanyang madilim na tingin ang sa akin sa rearview mirror. "May mensahe sa kubeta. Napakatalino, Elsa."
Nagsikip ang tiyan ko sa takot.
Patuloy ni Marco. "Alam mo, magaling kayong dalawa ni Marcello, pero hindi ako naniniwala sa inyong dalawa."
Kung ganon, tanga siya. "Dahil lang kung ayaw na ni Marcello, hindi ibig sabihin gusto kong sumama sa'yo kahit saan. Bitawan mo ako, Marco."
"Hindi pa ngayon." Sinimulan ang kotse, nagmaneho siya palabas ng istasyon. "Kailangan kita."
Nakarating kami sa shipyard sa loob ng ilang minuto. Mayroong helicopter na handa na ang mga rotor blade ay umiikot na.
Oh, kaya lilipad tayo? Siguradong magpapabagal sa kanila ang bangka. Plinano niya lahat ng ito.
May helicopter na naghihintay malapit sa shipyard sa dalampasigan. Handa na ito na umiikot na ang mga rotor blade.
Literal akong itinulak papasok at lumipad sila. Umupo ako sa pagitan ni Alessia at Marco na parang upang tiyakin na hindi ako tatalon sa mga bintana ng helicopter at makatakas.