Kabanata 51
“Pagkatapos, gigising ka tapos tawagan mo ako.” Nakita rin ni Calvin na pagod ako at dapat talaga magpahinga pa ako.
“Oo.” Tumango ako.
Kasi andun si Ella sa bahay, kaya hinatid ako ni Calvin sa may pinto ng bahay tapos umalis na siya. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, sumugod agad si Ella.
“Uy, anong ginagawa mo!” Nagulat ako tapos mabilis akong umiwas. Tumakbo ako papuntang banyo para maghilamos.
Paano ba naman si Ella, palalagpasin ba naman ang ganitong magandang tsismis, sinundan niya pa ako, sumandal sa may pintuan, ngumiti tapos nagtanong, “Bati na kayo?”
Muyak ang bibig ko sa toothpaste, tapos sumagot ako nang pa-vague-vague lang. Yumuko ako at medyo nahihiya pa. Oo nga, nakakatawa. Nag-away kami kagabi, tapos ngayon bati na, tapos natutulog nang magkasama.
“Buti naman kung ganun, mapapanatag na ako, walang tsismis.” Nakita ni Ella na masaya ako, tapos nagkaroon siya ng inspirasyon para sumulat, tapos tumakbo siya pabalik sa kwarto pagkatapos magsalita.
Nakita kong hindi na nagtanong si Ella, kaya nakahinga na rin ako nang maluwag. Ngayon, nanlalambot ako, gusto ko na lang matulog sa kama.
Pagkagising ko sa umaga, halos alas nuwebe na. Nagmadali akong buksan ang phone ko, tapos may isang message lang galing kay Calvin, “Nasa park ako sa tabi ng community, malapit sa lawa.”
Sine-nd niya ‘yon kaninang 6.30, naghihintay pa rin kaya siya sa akin sa may lawa? Tinawagan ko siya pabalik tapos sumagot agad si Calvin.
“Gising na?” Isang antok na boses ang narinig ko, parang maganda ang mood ni Calvin.
“Nasaan ka na?” Tanong ko.
“Park!” Sabi ni Calvin, “Pumunta ka na dito! Sa gazebo sa may lawa, hihintayin kita!”
Naghihintay talaga siya sa akin, kaya hindi na ako nag-inarte, bumangon ako, nagpalit ng damit, nag-ayos, kinuha ang phone at bag ko tapos lumabas na.
Pagkarating ko sa lawa, walang tao. Medyo nadismaya ako. Gusto ko sanang tumawag at magtanong. Noong yumuko ako para tumawag, bigla na lang akong niyakap. Pamilyar na lasa, si Calvin! Paglingon ko at gusto kong magsalita, biglang nagdilim ang paningin ko, tapos hinalikan niya ako agad.
“Ano’ng tinatawa-tawa mo diyan?” Hinalikan na ako ni Calvin hanggang sa pinakawalan niya na ako. Tiningnan niya ako pababa, tapos kinurot niya ang baba ko gamit ang isang kamay.
“Wala!” Nagmamadali akong yumuko, tapos noong nakita ko siya, naisip ko na medyo nakakahiya ang naganap kagabi.
“Nahihiya ka?” Gumalaw-galaw ang bibig ni Calvin, puno ng saya ang puso niya sa sandaling ito.
“Hindi!” Lalo pang nag-blush ang mukha ko, tapos hindi ko na nga magawang tumingin kay Calvin.
Ngumiti si Calvin. Pinisil niya ang baba ko at pinilit akong tumingin sa kanya, “Hindi mo pa nasasabi sa akin ang tatlong salita na ‘yon!”
“Anong salita?” Bigla akong kinabahan.
“Anong ibig mong sabihin?” Itinaas ni Calvin ang kilay niya.
“Ikaw, alam mo ‘yon!” Nahihiya na akong sabihin ang tatlong salitang ‘yon.
“Pero gusto kong marinig!” Niyakap ako ni Calvin nang mahina, tapos sinabi niya nang mahinahon, “Ang nangyari noon, kasalanan ko, sorry sa ‘yo, hindi ko talaga alam na sobrang dami palang nangyari sa ‘yo, kaya, gusto kong sabihin mo sa akin ‘yong tatlong salitang ‘yon nang kusa!”
Kinagat ko ang labi ko at biglang nakaramdam ng konting sakit sa mga mata ko.
“Alexia, mahal kita!” Hinaplos ni Calvin ang buhok ko at bumulong, “Anim na taon na ang nakalipas, kung hindi dahil sa ‘yo, patay na ako, kaya magtiwala ka sa akin, hindi kita sasaktan!”
Nagulat ako. Nagkusang-loob pa siyang banggitin ang insidente. Talagang nagkaroon ako ng curiosity kung ano ang naging dahilan kung bakit siya nakatira sa lansangan, parang walang bahay.
“Ano’ng nangyari noon? Bakit ka— ” Hindi ko mapigilang magtanong.
Tumahimik si Calvin bago bumulong, “Naaksidente ako sa kotse at nauntog sa ulo ang kapatid ko at naging gulay.”
Malamig ang boses ni Calvin, parang walang emosyon, pero siya lang ang nakakaalam na kahit maraming taon na ang lumipas, hindi pa rin siya makakalma kapag pinag-uusapan ‘yon, at hindi niya kayang pigilan ang sakit sa puso.
Kahit na naghanda na ako sa isip ko, nagulat ako at hindi nakapagsalita pagkatapos marinig ‘yon, at sobrang sakit ng puso ko na hindi na ako makahinga.
“Hindi ako makapaghintay na mamatay para sa kanya. Hindi ko matanggap. Tapos, sumuko na ako sa sarili ko.” Dahan-dahang sinabi ni Calvin. Tumingala siya at tumingin sa akin, “Hanggang sa nakilala kita.”
“So, sinadya mo talaga na madumi ka noon?” Impluwensiya na ako sa lalaking ‘yon. Noong mga panahon na ‘yon, nag-away ako kay Johnny Evans. Pumunta akong mag-isa para mag-relax. Noong may nananakit ng pulubi, hindi ko mapigilang humakbang at sinabing tatawag ako ng pulis at isinagip ko ang taong ‘yon.
Lumalagpak ang pulubi sa lupa at tahimik akong tinitigan.
Siguro’y naantig sa mga matang ‘yon, o kaya’y tadhana. Wala akong masyadong inisip. Tinawagan ko ang 911 at pumunta kaming magkasama sa ospital para alagaan ang pulubi.
Sinabi ng doctor na ang mataas niyang lagnat ay dahil sa mahinang immune system at chronic malnutrition, at kailangan niyang gamutin nang maayos. Pero nagbabakasyon lang ako, at uuwi na rin ako kaagad. Imposibleng alagaan ko siya. Siguro’y nakatakda ang lahat. Noong nag-aalala ako, lumapit si Johnny Evans. Noong nalaman niya na inaalagaan ko ang isang pulubi, lalo pa siyang nandidiri, at galit na sinabi, pumunta ako sa kanya o makikipaghiwalay ako.
Hindi ako natuwa pagkarinig ko ‘yon. Hindi ko lang gustong magtagumpay siya, kaya nagpaiwan ako. Nanatili siya sa ospital nang tatlong linggo, at nanatili ako kasama niya nang tatlong linggo. Noong mga panahong ‘yon, walang aksidente sa bahay. May pera ako, kaya wala akong pakialam sa mga gastos sa ospital. Sa panahong ito, nakipag-usap ako sa kanya nang napakasaya. Kahit na may pagka-slopy ang damit niya, ang pakikipag-usap niya, ang pag-aaral, at ang karanasan, lahat ay sumasalamin sa kanyang kakaiba.
Minsan, iniisip ko rin na talagang naging impulsive ako para alagaan ang isang estranghero, pero buti na lang, walang nangyari.
Tapos, binigyan ako ng lalaki ng singsing at sinabing napakahalaga nito, pero wala akong pakialam. Lumipas ang panahon, noong may nangyari sa bahay, iniwan ko sa kanya ang ilang pera at umalis na ako.
Tadhana nga ba ito? Iniligtas ko siya, tapos umiibig siya sa akin?
“Ano’ng iniisip mo?” Mahinahong tanong ni Calvin nang hindi ako nakapagsasalita nang matagal.
“Nag-iisip ako, nagkamali ka ba sa nararamdaman mo sa akin? Nagpapasalamat ka lang na iniligtas kita. Hindi ‘yon pag-ibig!” Nag-alinlangan ako, tapos sinabi ko ang kalituhan sa puso ko.
“Sa tingin mo ba ganun ako katanga?” Hindi natuwa si Calvin.
“Pero—“ Nag-aalala pa rin ako.
“Nag-aalala ka ba na niloloko ko ang nararamdaman mo?” Alam ni Calvin na siguro ang trauma na naiwan sa kanya ng huling relasyon ay napakalalim, tapos naging mahiyain siya at natatakot na harapin ang katapatan niya.
Nakita ko ang mga mata ni Calvin at sinabi ko, “Ang tanging hinihingi ko sa pag-ibig ay katapatan, pero walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Siguro, unti-unti, hindi na namin gusto ang isa’t isa.”
Kumunot ang noo ni Calvin noong marinig niya ‘yon. Magsasalita na siya, tapos pinutol ko siya, “Makinig ka muna. Ang ibig kong sabihin, kung hindi ka na nagmamahal, sabihin mo lang. Kung nirerespeto mo ako, huwag kang mag-derail, kung hindi—“
“Ano?” Nagsikip ang mata ni Calvin.
“Kung hindi, hindi kita mapapatawad!” Sinasabi ko ang bawat salita.
“Hindi ako mangangaliwa!” Tinitigan ako ni Calvin at sinabi niya sa tono na sumusumpa: “Kailanman!”
Pero, kahit na sabihin niya ‘yon, nakakaramdam pa rin ako ng pagkabalisa.
“Sana.” Yumuko ako at sinabi ko.
“Magtiwala ka sa akin minsan, okay? Talagang karapat-dapat ka sa pagmamahal ko!” Hindi kayang hayaan ni Calvin na pagdudahan ang kanyang nararamdaman. Niyakap niya ako nang mahigpit.
“Okay!” Niyakap ko rin siya pabalik, “Iniisip ko pa rin na iba ka na ngayon, at iba ang mga mata mo, kung hindi, hindi kita makikilala.” Kung sasabihin mo na magbabago ang itsura at ugali ng isang tao, pero ang mga mata, hindi magbabago, pero ang Calvin sa harap ko ay wala talagang pagkakatulad sa pulubi noon.
“Magbabago ang lahat sa paglipas ng panahon!” Tumawa si Calvin.
Tinitigan ko ang mga mata niya at ngumiti ako, dahil ang mga mata ng lalaki sa harap ko ay ang pares sa alaala ko.
Alam ko rin na maraming bagay ang nangyari kay Calvin, pero naniniwala akong sasabihin niya sa akin sa hinaharap.
“Okay, may tanong pa ba? Kung wala, sumama ka sa akin mag-agahan!” Kinamot ni Calvin ang ilong ko.
Umiling ako, kusang hinawakan ang kamay niya, at pumunta kami para kumain ng agahan.
Pagkatapos ng agahan, dumaan ako sa botika. Hindi ko siya iniiwasan. Bumili ako ng mga pildoras na pang-kontrasepsyon. Hindi niya ako pinigilan at bumili siya ng tubig.
“Huwag ka nang bibili ng mga ganyan sa susunod. Hindi maganda sa kalusugan mo.” Kinuha ni Calvin ang bote ng tubig at mahinahon niyang sinabi.
“Paano kung magbuntis ako?” Gusto ba niya ng mga anak?
“Gumamit ng ibang paraan!” Ngumiti si Calvin. Sobrang saya niya dahil gusto niya ang malapitang pakikipag-ugnayan sa kanya at hindi na siya lumalaban.
“Hindi ka ba nagagalit? Hindi ba lahat ng lalaki ay gusto ng baby?” Nagtatakang tanong ko.
“Gusto mo bang magbuntis?” Agad na tanong ni Calvin.
“Sa ngayon, hindi ko gusto!” Maingat kong binitawan ang mga salita.
“Ayoko ng mga bata! Tara na!” Natapos si Calvin, pero lalo akong naguluhan. Sabi niya ayaw niya ng mga bata? Ibig sabihin ba nun, ayaw niya ng mga anak?
“Sige na, huwag mo nang isipin.” Nag-aalalang hinatid ako ni Calvin pabalik sa bahay ni Ella, at hindi na mapigilang humalik ulit bago umalis.
“Hurry up!” Hindi ko siya matiis, kaya marahan ko siyang itinulak palayo at tumakbo na ako.
Pagkauwi ko, nakita kong nagpadala ng text message si Andy sa akin at sinabing tawagan ko siya kaagad.
Na-dial ang telepono, mabilis na sinagot ni Andy, “Uy, Alexia, kailan ka babalik?”
“Ano’ng problema?” Narinig ko na hindi maganda ang tono ni Andy, at hindi ko mapigilang itanong, “May nangyari ba?”
“Uy, totoo may nangyari,” Bumuntonghininga si Andy, “Umuwi ka na kaagad, nababaliw na ako mag-isa!”
“Ano ba talagang nangyayari?” Kinabahan din ako.
“Si Anni. Nakipag-away siya sa biyenan niya, at ngayon na-ospital siya dahil sa pag-aalaga!” Sabi ni Andy, at nagalit. “May sakit talaga ‘yong matanda, dahil ang asawa niya ay galing sa business trip para makita muna ang asawa niya sa halip na bisitahin muna siya. Sabi niya hindi daw mapagmahal ang anak niya at gusto niyang magpakamatay!”
“Anong nangyari kay Anni? Kamusta na si Anni ngayon?” Wala akong pakialam sa matanda, umaasa lang ako na okay lang si Anni.
“Okay naman sa ngayon. Sabi ng doktor kailangan niyang manatili sa kama at magpalipas ng buwan at hindi siya pwedeng gumalaw-galaw.” Huminga si Andy at nagtanong na sobrang depress, “Alexia, umuwi ka na kaagad!”
“Sige,” Plano kong tawagan si Anni para tanungin ang sitwasyon mamaya.
“Tsaka! Sumali na si Abby Williams sa Sky Group!” Lalo pang nagalit si Andy. “Isang tanga na hindi man lang pumasa sa entrance examination ay pwede talagang sumali sa kompanya!”
“Ano? Sumali si Abby Williams sa Sky Group?” May masamang pakiramdam ako. Kailangan niyang pumunta para sa akin.
Hindi, kailangan kong linawin, kung hindi, magkakaroon ako ng problema sa hinaharap!