Kabanata 127: Isang Regalo
Si Benson, ang sama ng tingin. Imbis na tanggapin yung delivery, nagtanong siya, "Saan galing 'to? Bakit 'di mo binuksan?"
Parang kahon yung parcel.
Si Channing naman, siya palagi nagbubukas ng mga parcel na may kinalaman sa trabaho para sa kanya.
Wala siyang personal na delivery kasi wala siyang inorder sa Internet.
Usually, 'di magbubukas si Benson ng parcel na 'di niya alam kung saan galing, para safe siya.
Sumunod si Channing kay Benson tapos sinabi, "Kay Mrs. Leach galing at 'di ko tinangkang buksan."
Nung natanggap ni Channing yung delivery, tinignan niya muna kung sino ang nagpadala tapos tinawagan niya si Juliana para siguraduhin na galing sa kanya, kaya 'di niya binuksan.
Kung binuksan niya yung delivery galing kay Mrs. Leach para kay G. Leach nang walang permiso, magugulat siya kapag nabawasan yung sahod niya.
Nung narinig ni Benson na galing kay Juliana, medyo lumambot yung mukha niya at dali-dali niyang kinuha kay Channing.
Sabi ni Channing, "Sabi ni Mrs. Leach na..."
Bago pa matapos magsalita si Channing, binuksan na ni Benson yung package ng mabilis.
Nung narinig ni Benson na galing kay Juliana, medyo lumambot yung mukha niya at dali-dali niyang kinuha kay Channing.
Sabi ni Channing, "Sabi ni Mrs. Leach na..."
Bago pa matapos magsalita si Channing, binuksan na ni Benson yung package ng mabilis.
Tapos, yung laman sa loob, biglang lumaki na nakikita ng mata.
Nung nakita niya yung hugis-taong unan na 1.7 metro ang haba sa harap niya, pinigilan ni Channing yung pagtawa niya at tinapos yung mga salita niya nang mahina, "Bago buksan yung parcel, pabalikin ka sa kwarto mo."
Naka-vacuum pa bago buksan. Pagkabukas at may hangin na, biglang lumaki.
Okay lang sana kung hugis-taong unan lang, pero life-size na unan na may picture ni Juliana.
Hindi lang si Channing yung gustong tumawa, pati yung mga dumadaan sa lobby ng unang palapag, nakatingin din.
Nagulat muna si Benson nung nakita niya yung hugis-taong unan na biglang lumaki, tapos ngumiti siya ng konti, "Maganda ah."
'Di alam kung anong material ng unan. Malambot at fluffy tapos amoy Juliana.
Gustong-gusto ni Benson.
Pinipigilan pa rin ni Channing yung pagtawa niya, "G. Leach, ibabalik ko na lang sa kwarto mo."
Nilagay ni Benson yung unan sa braso niya, "Wag na. Diretso na tayo sa meeting."
Pinanood ni Channing si Benson na bitbit yung unan at naglakad na palayo at dali-dali siyang sumunod, "Ahm... Appropriate ba 'to?"
"Mahalagang meeting 'to. Bakit ka may dalang unan?" Sabi ni Channing sa sarili niya.
Ang laki-laki ng unan!
Tinignan siya ng masama ni Benson, "Anong 'di appropriate kung kasama ko si Mrs. Leach? Sino may problema dun?"
Si Channing, "Sige, walang problema!"
Karamihan, 'di siya nagtatapang-tapangan!
Resulta, na-refresh yung impression ng lahat kay Benson na cool, seryoso, baliw, at marahas ngayon!
Sa gabi, nag-video call si Benson kay Juliana.
Pagkasagot ni Juliana sa tawag, nakita niya si Benson na hawak yung unan.
Si Benson, "Gusto ko yung unan."
Sabi ni Juliana, "Buti kung gusto mo."
Hindi niya naisip na padalan siya ng unan hanggang sa kinuha nito yung unan niya.
Express custom-made 'yon, puno ng tranquilizing herbs, at pinadala gamit ang private plane.
Pinisil ni Benson yung mukha ng picture sa unan at sinabi, "Medyo malaki lang bitbitin, kung ginawa na lang sanang maliit na manika."
Walang masabi si Juliana.
Hiningi pa talaga!
Grabe na 'to!
Sabi ni Benson kay Juliana, "Babalik ako bukas. Sunduin mo ako sa airport."
Gusto sanang tumanggi ni Juliana, pero nag-iinform si Benson, hindi nagtatanong. Tumango siya at sinabi, "Sige."
...
Kinabukasan, pumunta si Juliana sa airport para sunduin si Benson.
Pero, bago pa niya makuha si Benson, nakilala niya muna yung kakilala niya.