Chapter 166 Look Out!
Kinausap ni Juliana si Lola for a few minutes pa bago niya binaba yung telepono.
Rinig ni Juliana sa tono ni Lola na hindi basta basta makakalimutan yung issue.
Naisip ni Juliana na gusto siyang lokohin ni Selene pero sa halip, sesermonan siya ni Lola, kaya naman masayang binaba ni Juliana yung telepono.
Gently na hinahaplos ni Benson yung baywang ni Juliana, nakalabas sa damit.
Ngumiti siya ng kaunti at sinabi, "Tapos na?"
Binaba ni Juliana yung telepono, "Oo."
Yinakap ni Benson yung baywang niya at tumingin sa manipis niyang labi, "Tuloy natin?"
Nagising na si Juliana sa realidad. Napansin niya na hinahaplos ni Benson yung baywang niya at nararamdaman niya pa rin yung dala-dalang sandata habang nakaupo siya sa kandungan niya.
Biglang namula ulit yung mukha ni Juliana.
Gently na siniko ni Juliana yung baywang ni Benson at mahinang sinabi, "Since tapos na tayong kumain, punta tayong sine. May bili na tayong tickets."
Tumingin si Benson kay Juliana nang matagal bago nagsalita ng mabagal, "Mrs. Leach, walang katapusan yung pasensya ko, pero limitado yung buhay ko."
Natatakot siya na hindi niya kayang hintayin siya.
Tumingala si Juliana at tinusok niya sa dibdib nito gamit ang daliri niya, "Nagmamadali ka naman. Hindi ka ba natatakot na mawawala lahat ng pera mo?"
Hindi na nag-atubili si Benson na palitan yung topic. Hinawakan niya yung kamay ni Juliana habang tumatayo siya, "Sapat yung pera ko, at naniniwala akong mas pagkakakitaan mo lang 'yon."
Puno ng pagmamahal kay Juliana yung mga sinabi niya at yung tiwala niya sa kakayahan nito.
Hindi alam ni Juliana kung saan niya nakuha yung tiwalang 'yon. Siguro nagtitiwala lang talaga siya nang walang pag-aalinlangan.
Nakabili na si Juliana ng tickets para sa documentary film at pinanood niya 'yon nang may sobrang interes at dedikasyon.
Si Benson naman, tumiling sa gilid para tignan siya nang may paghanga.
Perfect interpretation na siya yung nanonood ng movie at siya naman yung nanonood sa kanya.
Pagkatapos ng movie, umuwi na sila.
Tinatanong siya ni Benson habang naglalakad palabas ng sinehan, "Mahilig ka rin bang manood ng documentaries?"
Karamihan sa mga babae, hindi mahilig manood ng documentaries, 'di ba?
Si Juliana, "Sa tingin ko, hindi mo magugustuhan yung ibang pambata na pelikula."
Hindi nakakatakot yung horror films at fake daw yung romantic films.
Kaya naman, binili niya yung tickets ng movie base sa gusto ni Benson.
Tumingin si Benson kay Juliana at ngumiti, "Oo nga."
Pumipili talaga siya ng maliit na bagay na gusto niya.
Habang pauwi, si Benson yung nag-drive habang si Juliana ay nagbabasa sa kanyang phone at nag-uusap sila paminsan-minsan.
Tumingin si Juliana sa gilid kay Benson at tumingin sa rearview mirror, "Yung kotse sa likod natin, sinusundan ba tayo?"
Napansin niya na pitong beses tumingin si Benson sa rearview mirror at paikot-ikot yung kotse.
Obvious na tinitignan niya yung kotse sa likod niya para malaman kung sinusundan nga sila.
Ngayon, si Channing ang nag-drive kay Benson papunta kay Chef Nicolas, at pabalik naman, yung kotse ni Juliana yung ginagamit nila.
Tumingin ulit si Benson sa rearview mirror at sumagot ng mahina, "Grabe ka mang-observe."
Gusto niyang mawala yung kotse sa likod nila nang hindi niya pinapaalalahanan.
Pero hindi niya inaasahan na kahit naglalaro siya sa phone, aware pa rin siya sa ibang ruta at sa mga subtle niyang galaw.
Tumingin si Juliana sa kotse sa likod nila na malapit na sumusunod at sinabi niya, "Hihinto tayo, o tatakasan natin?"
Sabi ni Benson, "Protektahan mo sarili mo."
Base sa obserbasyon niya, kapag huminto sila ngayon, diretsong babanggain sila nung sasakyan sa likod, na sobrang delikado.
Ang kailangan niyang gawin ay takasan 'yon.
Hinawakan ni Juliana yung seat belt niya at hindi na nagsalita para hindi ma-distract si Benson.
Nasa labas na sila ng center ng bayan, kung saan mas liblib yung daan at walang masyadong traffic.
Binugahan ni Benson yung gas pedal at nag-flash yung kotse na parang jaguar.
Malapit na sumusunod yung mga kotse sa likod nila.
Nakita ni Juliana na may puting kotse na lumabas sa sanga-sangang daan at tumakbo diretso sa kanila.
Nagbago nang kaunti yung mukha niya at sumigaw siya nang malalim na boses, "Ingat!"