Kabanata 50: Ospital
Tumango yung lalaking naka-suit kay Juliana, "Miss Lewis."
Tumango rin si Juliana nang magalang bilang sagot, tapos humakbang siya pasulong, at mahinang sinabi, "Lola."
Sakto naman na napatingin si Lola kay Juliana at sinumbatan siya, "Kung hindi pa kita pinapunta sa ospital, hindi ka talaga pupunta para makita ang tatay mo?"
Matiyaga si Juliana sa lola niya, tutal siya lang naman ang mabait kay Juliana sa pamilya Lewis.
Pinagsasabihan at tinuturuan siya ni Lola sa tabi.
Tiningnan ni Juliana si Jermaine na nakahiga sa kama ng ospital, may steel plate yung kanang binti niya at mukhang seryoso, at namumutla ang mukha niya.
Pero, wala man lang kahit katiting na awa si Juliana para sa kanya.
Lumapit si Selene at sinabi sa kanya, "Pauwi na si Daddy nang matusok yung buto ng binti niya ng steel bar na bigla na lang lumitaw, at malamang hindi na siya makakatayo habangbuhay."
Ibinaling ni Juliana ang mga mata niya sa kanang binti niya na may maliit na sugat at ilang maliit na peklat.
Tapos tiningnan niya si Jermaine na nakahiga sa kama ng ospital. Kahit hindi man tuluyang lumpo ang kanang binti niya, kailangan niyang humiga sa kama ng tatlo hanggang anim na buwan, at tapos gumamit ng saklay ng isang taon.
Walang masabi si Juliana.
Baliw talaga si Benson!
Kasi lang nagka-galos siya ng konti sa binti niya, sinira niya ang binti ni Jermaine!
Pero ang galing pa rin na may nagpo-protekta at nagpapahalaga sa kanya sa ganitong paraan.
Nang makita na walang pakialam si Juliana, sinabi ni Selene, "Jill, hindi ka man lang malungkot na nagkaganto si Daddy? Hindi ka man lang umiyak kahit konti."
Hininto ni Lola ang pagsasalita at binigyan si Juliana ng masamang tingin, "Jill!"
Tiningnan ni Juliana ang pulang-pula at namamaga na mata ni Selene na nakataas ang kilay niya at mahinang tumawa, "Hindi pa naman patay si Daddy tapos gusto mo na akong humagulgol? Selene, gaano mo ba talaga kagustong mamatay siya?"
Nagmamadaling sinabi ni Selene, "Hindi ah! Hindi ako..."
Pinutol siya ni Juliana, "Yung umiiyak mong mukha magpapakita sa lahat na patay na ang tatay mo."
Matanda na si Lola at ayaw niya talaga na may umiiyak sa harap niya. Nang makita niya si Selene na umiiyak na pula at namamaga ang mata at sinasakal minsan-minsan, hindi siya naging masaya.
Suminghap si Selene at hindi alam kung paano sasagot, kaya sinabi na lang niya nang mahina, "Nasasaktan lang ako para kay Daddy kaya medyo matagal akong umiyak."
Nagmadaling sinabi ni Suzanne, "Umiyak si Selene dahil nag-aalala siya, pero ikaw wala man lang kahit senyales ng pag-aalala."
Itinaas ni Juliana ang mga mata niya at tumingin kay Suzanne nang kalmado, "Akala ko magpapanggap ka pa kahit na napunit na ang mukha mo. Mukhang nagkamali ako sa pag-akala sa mga plano mo."
Naiirita si Jermaine at sumigaw, "Tumahimik kayo! Pumunta ba kayo sa ospital para makita ako o para mag-away?"
Ang malas niya talaga, tinusok ng steel bar ang buto ng binti niya habang naglalakad sa daan.
Hirap sabihin kung makakatayo pa siya o hindi.
Sinulyapan sila ni Juliana at sinabi, "Andito ako. Nakita ko na si Daddy. Kung wala nang iba, aalis na ako."
Sinabi ni Lola, "Hinahanap ka ng abogado na ito. May ginawa ka na naman bang ilegal nitong mga nakaraan?"
Tiningnan niya si Juliana nang may matinding pagsisisi, "Hindi kita tutulungan ngayon, kahit na makulong ka, wala akong pakialam!"
Nakulong na si Juliana ng ilang beses dahil sa pakikipaglaban sa gang at si Lola at Suzanne ang nagpiyansa sa kanya.
Nang makita nila ang abogado, hindi nila namalayang inisip na nandito siya para kasuhan ulit si Juliana.
Nagliwanag ng bahagya ang mga mata ni Selene at mabilis siyang tumingin pababa, natutuwa na may ngiti.
Walang tutulong kay Juliana sa pagkakataong ito!"